DAHAN-DAHANG itinulak ni Troy ang bakal na gate. Takot siyang marinig ni Mama Mayette ang pagdating niya.
Nang buksan niya ang main door ay kinabahan siya. Eto na ang kinatatakutan niya.
Nakaupo si Mayette sa sopa. Matalim ang tingin sa kanya. Parang kakainin siya ni Mayette.
Lumapit siya kay Mayette para magpaliwanag kung bakit siya naatrasado. Pero bago pa siya nakalapit dito ay tumayo na si Mayette at matatalim na salita ang binitiwan.
‘‘Dumating ka pa! Panis na panis na ako rito. Siguro may dinidiskartehan kang kaklase mo ano? Huwag mo akong lolokohin! Hu-wag na huwag, Troy!’’
Atras si Troy. Parang tigre na aatake si Ma-yette. Akala ay mayroon siyang nililigawan.
“Huwag mo akong lolokohin, binabalaan kita!”
“Hindi kita niloloko Mayette. Kaya ako naatrasado ng pag-uwi ay dahil late nang dumating ang prof namin. Mahaba ang exam kaya natagalan ako bago nakatapos. Nagmamadali ako sa pag-uwi at aalis tayo.’’
“Sinungaling! Si-guro may inihatid kang kaklaseng babae!”
“Wala. Hindi ko magagawa ‘yun.’’
“Kapag nahuli kita na may nililigawan, magsisisi ka, Troy. Tandaan mo, magsisisi ka!”’
Pagkatapos ay umalis at nagtungo sa kuwarto. Ibinagsak ang pinto. Natulig si Troy.
Hindi na niya sinundan. Tama na ang paliwanag niya. Wala naman siyang ginagawang masama.
Nang lumalim ang gabi ay hindi lumalabas sa kuwarto si Mayette.
Ipinasya ni Troy na sa sopa na lamang matulog. Hindi siya tatabi kay Mayette. Tiyak na galit pa ito. Bukas na lang niya lalapitan.
MADALING ARAW nagulat si Troy nang maramdaman na may humahalik sa kanya. Si Mama Mayette! Tinabihan siya sa pagkakahiga sa sopa.
(Itutuloy)