^

True Confessions

Alakdan (153)

- Ronnie M. Halos - The Philippine Star

WALA pang karanasan ang alakdan sa pakiki­paglaban. Birhen pa. At di ba’t iyon ang puntirya sa kanya ni Mama Mayette. Simula nang malaman na wala pa siyang karanasan ay halos masiraan ng bait para siya ang ‘‘makapagbinyag’’. Pero matigas ang alakdan at ayaw ibigay ang kabirhenan. Hindi niya tipo ang katulad ni Mama Mayette. Ang gusto niya ay kasing-edad niya. Ayaw niya sa parang nanay na niya.

Pero pag ang alakdan pala ay nagutom, maski ang buntot na may kamandag ay kusang titiklop at susuko sa nagbigay ng pagkain. Hindi pala niya kayang tiisin ang hapdi ng sikmura. Masisira ang ulo niya.

Ngayon, ninanamnam na ni Mama Mayette ang bunga ng kanyang pagpapakahirap. Sinisimsim na niya ang kamandag ng alakdan.

Nagpaubaya ang alak­dan sa bawat gawin ng tagapagligtas. Ganoon pala. Bihasang-bihasa ang tagapagligtas niya. Alam na alam ang gagawin. Kung siguro’y mayroon na siyang kaalaman sa ganoon, hindi niya hahayaan ang tagapagligtas na ito ang gumawa. Siya ang ga­gawa. Pero ngayong unti-unti na siyang natututo, sa mga susunod na gabi ng paghahamok ay siya na ang maghahari. Magkakaroon na ng kakaibang kamandag ang alakdan.

Natapos ang ginagawa ng tagapagligtas sa alakdan. Ang tanging narinig ay ang ungol. Kasunod ang katahimikan. Maya-maya mahimbing na ang tagapagligtas. Ang alakdan ay nakamulat sa dilim.

Mayroon siyang ibang iniisip ng mga sanda­ling iyon. Si Kreamy!

(Itutuloy)

ALAKDAN

ALAM

AYAW

BIHASANG

BIRHEN

GANOON

MAMA MAYETTE

NIYA

PERO

SI KREAMY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with