^

True Confessions

Alakdan (137)

- Ronnie M. Halos - The Philippine Star

HINDI nalaman ni   Troy kung paano siya nakauwi. Apektado siya sa ginawang   panghihiya ng istriktang superbisor.

Hindi binuksan ni Troy ang ilaw. Hina-yaan niyang masanay sa dilim ang kanyang mga mata.

Tinungo niya ang kama at naupo roon. Nayugyog ang kama. Namalagi siya sa pagkakaupo.

Binalikan niya ang mga nangyari kanina habang minumura siya ng superbisor. Sa harap ng mga drayber at iba pang tao roon, walang puknat siyang pinahiya ng superbisor. Parang ito ang nagpapasuweldo sa kanya. Iresponsable raw siya. Iresponsable ba yung maayos niyang naiinspeksiyon ang mga dinideliber na de-lata. Kung hindi niya mahal ang trabaho, noon pa sana siya nasibak. Mahal niya ang trabaho. Kahit na masakit ang mga pagmumura sa kanya noon, binalewala niya. Pinalampas niya. Wala namang namamatay sa mura.

Pero kanina, hindi na niya kinaya. Sobra na! Mabuti nga at napigil niya ang sarili na hindi sagutin o labanan ang superbisor. Nakapagpigil pa siya.

Hindi na siya magpapakita roon. Kung i-AWOL siya e di i-AWOL nila. Wala naman sigurong nabibilanggo sa AWOL.

Nahiga si Troy. Malinaw na ang kanyang mga mga mata. Nakikita na niya ang kabuuan ng tirahan niya.

Ipinikit niya ang mga mata. Bukas na niya iisipin ang mga gagawin niya sa buhay.

(Itutuloy)

APEKTADO

BINALIKAN

BUKAS

HINA

IRESPONSABLE

NIYA

SIYA

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with