^

True Confessions

Hiyasmin (286)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

HABANG patungo sa venue ng ad congress, hindi makalimutan ni Hiyasmin ang sinabi kanina ni Mary Underwood na “mahal na mahal­ niya ang Filipino lan­guage”. Napakasarap pakinggan na ang isang dayuhan na katulad ni Mary Underwood ay may pag­mamahal sa wikang Filipino. Ngayon lamang siya nakarinig na ang isang dayuhang kagaya ni Mary ay pi­nagmamalaking mahal ang wikang Filipino.

At nang magsalita ito kanina ng Filipino ay lalo pang nadagdagan ang pag­hanga ni Hiyasmin—talo pa ni Mary ang mga Pinoy na naninirahan sa U.S. na hindi na makapagsalita ng sariling wika. Tinalo pa ng tunay na dayuhan.

Totoo ang nakalagay sa biography ni Mary na mara­ming wika ang alam nito. Ta­lagang pinag-aralan at na-master niya ang mga lengguwahe. Bukod dun, nagtuturo pa sa Harvard.

Napakatalinong babae! Hangang-hanga siya! Gusto rin niyang maging katulad ni Mary.

Na-excite si Hiyasmin sa pagkikita nila mamaya ni Mary. Kailangang pag-isipan na niya ang mga itatanong. Dahil marunong ng Filipino si Mary, hindi na siya mahihirapang magtanong dito ng mga dapat malaman ukol sa advertising. Tiyak na maraming ibibigay na payo sa kanya si Mary—at tiyak na marami siyang matututuhan dito.

Naisip din naman ni Hiyasmin, hindi naman siguro masamang itanong kay Mary kung ano ang lahi nitong pinagmulan. Sa tingin ni Hiyasmin, nagmula ang lahi ni Mary sa Middle East—parang Kuwaiti ang beauty.

Halos hindi na napag-ukulan ng pansin ni Hiyas­min ang lecture sa ad congress dahil sa sobrang excitement sa mangyayaring paghaharap nila mamaya ni Mary. Ngayon lang siya naging­ excited ng ganito. Baka nga kaya naglilihi na siya at napag­lilihihan si Mary? Sana nga ay totoo.

Pagkatapos magsalita ang lahat ng speakers, nagmamadaling nagtungo sa ca­feteria si Hiyasmin. Kaila­ngang mauna siya roon. Nakakahiya kay Mary.

Naupo siya sa lugar na madaling makikita ni Mary.

Naghintay siya. Nag-order ng coffee.

Pero lumipas ang twenty minutes, wala pa si Mary. Bakit kaya?

Baka may kausap pang mga opisyal. Maghihintay siya kahit anong oras!

(Itutuloy)

UNDERWOOD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with