^

True Confessions

Alakdan (120)

- Ronnie M. Halos - The Philippine Star

NAPAKA-LUNGKOT ng tag­pong iyon na nakayakap si Kreamy sa bangkay ng kanyang papa at patuloy ang pag-iyak. Nakatayo si Troy at nakatingin kay Kreamy. Awang-awa siya rito. Ngayon pa lamang ay masama na ang naiisip niya. Paano na ang buhay ni Kreamy ngayong wala na ang papa niya?

May ilang minuto rin na nakayakap si Kreamy sa kanyang papa saka napayapa ang kalooban. Pero ang hinaharap na buhay ang namutawi nang umalis sa pagkakayakap sa ama.

“Paano na kaya ako ngayong wala na si Papa?” Tanong nito habang nakatingin sa ama. Basang-basa ng luha ang mga mata.

Hindi makapagsalita si Troy. Hindi niya alam kung ano ang ipapayo kay Kreamy.

“Pero siguro, may ma­gandang dahilan ang Diyos kaya kinuha na si Papa,’’ sabi ni Kreamy na hindi inaalis ang tingin sa ama.

Noon nagsalita si Troy.

“Naranasan ko rin ang nararamdaman mo ngayon, Kreamy. Ako, halos magkasunod na namatay sina Itay at Inay. Hindi ko alam kung ano ang gagawin…’’

Hindi nagsalita si Krea­my. Nakatingin lang sa ama.

“Nasaan nga pala ang mama mo, Kreamy?”

Hindi inaasahan ni Troy na iiyak si Kreamy makaraan niyang tanungin kung nasaan ang mama nitong si Mayette. Sana hindi na niya itinanong.

Pero sinagot din siya makaraan ang ilang san-daling pag-iisip.

“Hindi nagpaalam sa   akin kung saan pupunta. Hindi na kasi kami nag-uusap mula noong hindi na niya inasikaso ang pagpapaopera kay Papa. Masama talaga ang loob ko.’’

Pinayapa ni Troy si Kreamy.

Lumipas pa ang isang oras bago dumating si Ma-yette. At walang nakitang lungkot dito nang malamang patay na ang asawa. Para bang tanggap na   niya ang lahat. Hindi nag-usap ang mag-ina.

Inayos ni Mayette ang     lahat ng mga dapat ba­yaran sa ospital. Ina­yos din ang puneraryang magsi-service sa bangkay.

Kinahapunan, naisaa-yos ang lahat. Nakaburol na ang papa ni Kreamy.

Habang nakaburol, la-ging nasa tabi ng kaba-ong si Kreamy. Pinagmamasdan ang nakahimlay na ama at tila kinakausap. Si Mayette naman ay walang bakas ng lungkot.

(Itutuloy)

AWANG

KREAMY

MAYETTE

PAANO

PAPA

PERO

SI MAYETTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with