^

True Confessions

May Isang pangit (82)

- Ronnie M. Halos -

“BASTA ang payo ko lang sa’yo, Torn wala munang chicks. Madali magkaroon ng chick kapag nakatapos at nagkaroon nang magandang trabaho.”

“Oo Kuya. Hindi ko nalilimutan ang payo mo. Hindi ako papasok sa isang relasyon na makakaapekto sa aking pangarap. Kailangan, matupad ko muna ang pangarap.’’

“Tama ang balak mo, Torn. Ganyan nga. Napapansin ko kasi na mara-ming kabataan ngayon na hindi na iniisip ang magiging kinabukasan nila. Maraming nagbubuntisan agad. At ang matindikapag nagka-anak na, maghihiwalay na. Ganun lang at balewala na ang kinabukasan.’’

“Marami akong kaklase na ganyan ang nangyari, Kuya. Maagang nagbuntisan at ang mga magulang ang pumapasan ng kanilang ginawang kamalian.’’

“Nakakaawa ang magulang ano? Huwag kang gagaya sa kanila. Siguro nagsisisi sila kung bakit agad nagbuntisan. Akala siguro, laro lang ang pagbubuntisan. Hinid nila alam, masisira ang kanilang kinabukasan. Kung kailan, huli na saka lang maiisip ang mga maling desisyon.’’

“Kaya pangako ko sa’yo Kuya, uunlad din ako at patitikimin ko sina Itay at Inay ng ginhawa. Gagayahin kita Kuya Tibur.’’

“Okey ka Torn. Pero huwag mong gagayahin ang mukha kong pangit…’’

“Hindi ka naman pangit Kuya. Ikaw nga ang pina-ka-guwapo para sa akin. Wala nang gagandang lalaki pa sa’yo Kuya.’’

“Sobra na ang sipsip mo pero okey lang.’’

Hanggang sa naitanong ni Torn ang tungkol kay Mulong.

‘‘Kuya Tibur, wala na ba sa Saudi ang kaibigan mong si Mulong?”

‘‘Oo. Paano mo nalaman?’’

‘‘Sinabi mo sa akin minsan, Kuya.’’

“A oo. Natatandaan ko na.’’

‘‘Di ba balak din nilang mag-Australia?’’

“Oo. Iyon ang inaasikaso nila ngayon. Baka hindi na magtatagal e makapunta na sila rito. Tinutulungan ko sila Torn. Si Mulong kasi ay parang kapatid ko na.’’

“Siya yung kaibigan mo na ang asawa ay ginahasa ng pulitiko?’’

“Oo. Napakabait niya, Torn.”

“Hindi magtatagal Kuya at magkikita rin ka­mi.’’

‘‘Oo. Magiging masa-ya tayo kapag nagka-sama-sama rito. Hindi tayo maho-homsik…para rin tayong nasa Pinas.’’

(Itutuloy)

KUYA

KUYA TIBUR

LSQUO

MULONG

OO

OO KUYA

SI MULONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with