^

True Confessions

May isang pangit(59)

- Ronnie M. Halos -

“YUNG kapatid mong nakapag-asawa ng Australian ang nagdala sa inyo rito, Alice?”

“Oo. Si Ate ang dahilan ng lahat. Una munang kinuha ang iba ko pang kapatid, tapos si Papa at Mama. Ako ang huling kinuha. Wala naman kasi akong hilig tumira rito. Mas gusto ko sa Pinas.’’

“E bakit ka nagpunta rito?”

“Dahil na rin sa nangyaring pagtataksil ng nobyo ko noon. Yung kinuwento ko sa iyo na ang pinsan kong kasama sa boarding house ang nakatuluyan ng nobyo kong taksil.’’

“A oo. Naalala ko na. Pumarito ka para makalimutan na ang pangyayari.”

“Oo.”

“Mabuti pala at nagtaksil ang nobyo mo…”

“Bakit mo nasabi iyon, Tibur?”

“Kasi kung hindi siya nagtaksil e di nasa Pilipinas ka pa hanggang ngayon at hindi tayo nagkakilala.”

“Oo nga ano. Dapat pala magpasalamat ako sa taksil na iyon.”

“Nang magpunta ka rito, matagal ba bago mo nalimutan ang taksil?”

“Medyo matagal din. Ma­sakit kasi ang ginawa niya. At saka inaamin ko naman na minahal ko. Pero napag-aralan ko ring kalimutan. Naisip ko, hindi dapat pag-aksayahan ng panahon ang isang katulad niyang taksil. Ibinuhos ko ang panahon sa pagtatrabaho sa farm. Pinag-aralan ko lahat ang mga makinar­yang ginagamit. Kasi dito, mahal ang suweldo sa mga operator ng farm machinery. E kaya naman ng babae kaya pinag-aralan ko. Yung Ate ko, sanay na sanay siya sa pagbubungkal ng lupa gamit ang tractor. Kaya ha­ngang-hanga ang asawang Australian.  Nang matuto ako, ginampanan ko ang ginagawa ni Ate. Mamaya ipakikita ko sa iyo ang malawak na taniman ng strawberries….”

Maya-maya pa, du­mating na sila sa tirahan nina Alice. Napakagandang lugar. Ito na ang bagong mundo niya ka­sama si Alice.

(Itutuloy)

BAKIT

DAHIL

DAPAT

KASI

NANG

OO

SI ATE

YUNG ATE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with