^

True Confessions

May isang Pangit (43)

- Ronnie M. Halos -

“SABI ko kay Gina, huwag na siyang mag-abala pa na ihanap ako ng mapapangasawa. Kakahiya naman sa kanya dahil dahil wala rin namang magkakagusto sa akin. Siyempre alam ko dahil sa aking itsura. At saka ayaw ko na ring mabigo pa. Ikinuwento ko ang kabiguang nangyari kung saan pinaasa ako ng babae tapos kinuwartahan lang. Ang masakit, ay nabugbog pa ako.

“Pero iginiit ni Gina na huwag akong mawawalan ng pag-asa at saka tigilan ko na raw ang pagkaawa sa sarili. Kapag daw lagi kong inisip ang mga masasamang nangyari noon ay talagang hindi ako makaka-move on. Dapat daw kalimutan ko ang mga nangyari.

“Sabi ko naman sa kanya, napapag-aralan ko nang kalimutan iyon. Pero kapag humaharap ako sa salamin at nakita ko ang mukha ko, nakakadama ako ng pagkaawa. Talagang mahirap makapag-asawa ang katulad kong pangit.

“Sabi naman ni Gina, ang totoong pag-ibig ay hindi tumitingin sa panlabas na anyo ng isang tao. Maniwala raw ako sa kanya. Talaga raw magpipilit siyang ihanap ako ng babaing mapapangasawa at kapag nangyari iyon, kakainin ko raw ang mga sinabi.

“Ngumiti na lamang ako kay Gina. Hinayaan ko na lang siya sa balak niya. Naniniwala naman akong hindi magkakatotoo iyon. Walang babaing magka-kagusto sa akin.

“Pero kinain ko nga ang aking sinabi sapagkat makaraan ang dalawang buwan, may ibinigay na pangalan sa akin si Gina. Sulatan ko raw. Nagtawa ako. Hindi ako marunong magsulat ng mga sasabihin sa babae. Pero sabi ni Gina, basta kung ano raw ang maisip ko ay aking isulat. Magpakilala raw ako sa babaing susulatan ko. Lahat daw ng mga kuwento ng buhay ko ay isulat ko. Mas maganda raw ang ganoon para malalim agad ang pagkikilala namin ng babae.

“Sabi ni Gina, sigurado raw na may magandang resulta kapag sinulatan   ko ang babae. Maniwala raw ako sa kanya. Malakas daw ang kutob niya na may magandang ibubunga ang pagsulat ko.

“Sinulatan ko ang babae. Ilang araw kong ginawa ang sulat. Nang sa tingin ko ay maayos na ang sulat. Ipinadala ko. Ang babae ay nasa Australia.

(Itutuloy)

vuukle comment

AKO

BABAE

DAPAT

GINA

HINAYAAN

MANIWALA

PERO

RAW

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with