MERON bang ganoong lalaki na hahayaan ang asawa na makatalik ng iba para lamang magkaanak? Paano naatim ni Delmo na mabuntis ng ibang lalaki ang asawa? Mahirap mapaniwalaan. Pero naisip ni Trevor ang lahat ng imposible sa mundong ito ay maaaring maging posible. Ang lahat ay maaaring maging totoo kahit mahirap mapaniwalaan. Sa nalaman ni Trevor, lalo naman siyang nakadama ng paghanga kay Delmo. Talagang mabuting kaibigan si Delmo, naisip ni Trevor. Sa dami ng lalaki, siya ang pinagkatiwalaan na “sumiping” at makipagtalik kay Thelma. Siguro, naisip ni Delmo na maganda ang magiging bunga ng ipupunla niya sa sinapupunan ni Thelma. At totoo nga sapagkat ang naging bungang si Trev ay matalino, mabait, masu-nurin at mabuting anak.
“Nang umalis ako ng madaling araw na iyon Thelma, anong sinabi ni Delmo nang hindi niya ako abutan dito. Anong reaksiyon niya?”
“Wala naman, Trevor. Basta ang sinabi ko ay umalis ka na. Wala na siyang sinabi sa akin.”
‘‘Wala kang nahalata sa kanya?’’
‘‘Wala naman.’’
“Pero paano mo natiyak na sadya niya tayong iniwan para makapagtalik. Baka naman akala mo lamang iyon? Paano mo nasiguro na hinayaan nga tayo?’’
“Kasi hindi siya umaalis ng ganoon kaaga. Mula nang siya ay magtraysikel, hindi siya namamasada ng alas kuwatro ng madaling araw. At isa pang nakapagpatibay sa hinala ko na sadya niya tayong iniwan para makapagtalik ay nang malaman ko na sa terminal sa bayan siya tumambay ng mga oras na iyon. Wala pa kasing pasahero ng alas kuwatro. Kaya ko nalaman na nasa terminal siya ng ganoong oras ay dahil naikuwento ng isang kumpare namin na may puwesto ng tindahan ng karne sa tabi ng terminal. Naninigarilyo raw si Delmo habang nakaparada ang traysikel. Nasa loob ng traysikel si Delmo. Ang akala raw ng kumpare namin ay magkagalit kami at si Delmo ay hindi umuwi ng bahay. Umalis daw si Delmo ng mga 5:30 ng umaga.’’
“Mga isa at kalahating oras siyang nawala, Thelma. Hinayaan niya talaga tayo na makapagtalik.’’
“Oo. Alam mo ba na hindi ako makatingin sa kanya ng tuwid nang dumating siya galing sa bayan?’’
“Nakokonsensiya ka?’’
“Oo.’’
“Pero kung hindi kaya tayo hinayaan ni Delmo, magaganap kaya ang pagtatalik natin, Thelma?’’
Tumango si Thelma.
“Bakit?’’
“Mahal kasi kita. Talagang malaki ang pagkagusto ko sa’yo.’’
Napangiti si Trevor.
“Pero nagtalik kayo makaraan ang pagtatalik natin?’’
“Oo. Pero pagkaraan pa ng isang dalawang linggo. Ewan ko kung bakit ganoon katagal bago niya ako sinipingan. Si-guro hinayaan niyang mabuo ang pinunla mo. At mula nang magtalik tayo, nakaramdam na ako ng kakaiba sa katawan ko. Nahihilo ako at naduduwal. Tinamaan agad ako, Trevor. Nabuntis mo ako.’’
“Nang malaman niya na buntis ka, anong reaksiyon?’’
“Tuwang-tuwa siya. Kulang na lamang ay maglulundag. Ingatan ko raw at baka pa mabugok ang nasa tiyan ko. Hanggang sa maisilang ko ang anak natin. Siya ang pumili ng panga lan. Trevor daw. Bilang alaala raw ng pagkakaibigan n’yo.’’
Napatungo si Trevor.
‘‘Ngayong alam mo na Trevor, sasabihin pa ba natin kay Trev ang lahat. Ibubunyag pa ba natin na ikaw ang ama niya?’’
Napabuntunghininga si Trevor. Malalim.
“Huwag na. Hayaan na lang natin na manatiling lihim ang lahat nang ito. Baka kung ano lang ang maging epekto sa kanya. Baka makagulo lang. Tutal wala namang nabago sa pagtitinginan namin. Mas lalo pa ngang closed kami. Ang mahalaga ay nalaman ko ang lahat. Kaya ngayon mas lalo ko pang ipadarama ang pagmamahal sa kanya. Kaya pala ganoon na lamang ang pagkasabik ko kay Trev nang una ko siyang makita. Anak ko pala ang damuho.”
Napaiyak naman si Thelma. Ngayon ay magaan na ang dibdib niya. Wala na siyang inaalala o iniisip man. Tiyak na lalo pa silang magi-ging maligaya.
(BUKAS ABANGAN ANG ISA PANG KAPANA-PANABIK NA NOBELA NI RONNIE M. HALOS.)