^

True Confessions

Thelma (166)

- Ronnie M. Halos -

‘‘OKEY sa iyo ang name na ROVERT, Thelma?’’

Tumango si Thelma. “Ikaw ang bahala.’’

“Ang ROVERT ay binaliktad na TREVOR. Kaka-ibang pangalan di ba?’’

Oo nga, naisip ni Thel­ma. Binaliktad na TREVOR. Manunulat nga si Trevor. Masyadong mala­wak ang imahinasyon. Malikhain ang pag-iisip. Madaling makagawa ng mga kakaibang bagay.

‘‘Sinong kamukha niya, Trevor?” Ang sanggol na bagong silang ang tinatanong ni Thelma.

“Palagay ko ako. Yung korte ng mukha niya e kuha sa akin. Yung ilong ay maliit pero matangos at halatang malago ang kilay, sa akin din nakuha. Yung lips niya ay maliit at palagay ko sa’yo nakuha. Guwapo siya at siyempre naman sa akin.’’

“Sa iyo na lahat,” sabi ni Thelma at kinurot sa braso si Trevor. Napapitlag si Trevor.

“Sabagay nagbabago pa naman daw ang itsura ng sanggol habang luma-laki pero siyempre mayroon ka nang mapapansin sa feature niya kahit paano.’’

“Malaki ba siya?’’

“Katamtaman lang.’’

“Maputi ba siya?’’

‘‘Oo.’’

Hinawakan ni Thelma ang daliri ni Trevor.

“Masaya ka na?’’

“Oo naman. Kanina nung pinagmamasdan ko siya sa nursery e masayang-masaya ako dahil sa wakas ay napatunayan kong hindi ako baog. Kayang-kaya ko palang gumawa ng poging bata.”

Napangiti na lang si Thelma. Baka kung malaman ni Trevor na anak din niya si Trev ay lalo itong maglulundag sa kasiyahan. Baka hindi muna maniwala sa kanya. Mag-iisip. At kapag naipaliwanag niya saka lamang maniniwala. Pero hindi muna ngayon niya sasabihin iyon. Maghihintay siya ng tamang panahon. At kapag nalaman niya, dapat pa bang sabihin kay Trev. Saka na lang niya isipin iyon. Ang mahalaga, may bago na silang pagkakaabalahan ngayon —isang anghel na magbibigkis pa lalo sa kanilang dalawa ni Trevor. Sa palagay niya lalo pang titibay ang kanilang pagsasama ngayong isinilang na si ROVERT.

“O anong iniisip mo Thelma?’’

Napapitlag si Thelma sa pagtapik ni Trevor. Natangay pala siya ng iniisip.

‘‘Wala. Siyanga pala, alam na ba ni Trev na na­nganak na ako.’’

‘‘Tinext ko na. Sa Sa-ba­do uuwi siya. Gusto niyang makita ang ka-pa­tid.’’

Napatango si Thelma. Magkamukha kaya si Trev at ang bagong silang? Iyon ang mas naging kapana-panabik kay Thelma. Tiyak na mayroong mala-king pagkakahawig ang dalawa dahil tunay na magkapatid. Tiyak na hindi iyon maitatago.

(Itutuloy)

vuukle comment

LSQUO

NAPAPITLAG

NIYA

OO

THELMA

TREV

TREVOR

YUNG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with