^

True Confessions

Thelma (158)

- Ronnie M. Halos -

“KUNG masaya si Trev, mas masaya ako, Thelma. Nangyari ang mga gusto ko.”

“Sa huwes na lang tayo magpakasal, Trevor.”

“Ayaw mo sa simbahan?”

“Sa huwes na lang at saka tayu-tayo lang.”

“Yung ibang babae, gusto e makasal sa simbahan ikaw naman ay gusto sa huwes lang.”

“Gusto ko simple lang, Trevor.”

“Ikaw ang masusunod. Sabagay yung mga ikinakasal sa simbahan at gumagastos nang mahal ay naghihiwalay din lang. Buti pa nga sa huwes lang ano?”

Tumango si Thelma. Pero hindi iyon ang dahilan kaya ayaw niya sa simbahan. Ayaw niya dahil natatakot siyang pagkatapos nilang makasal sa simbahan ay “mawala” sa kanya si Trevor. Si Trevor ang ikatlong lalaki sa buhay niya. At baka hindi niya kayanin kapag may nangyari kay Trevor.

“Kung maaari nga gusto ko e huwag nang pakasal, Trevor.”

“Live-in na lang?”

Tu­mango si Thelma.

“Bakit?”

“Naiisip ko kasi ang pagkawala ng dalawang unang lalaki sa buhay ko.”

“Sinasabi ko na nga ba at iyon ang dahilan. Huwag mo nang isipin yun, Thelma. Walang mangyayari sa akin. ‘Yan ang tandaan mo.”

“May phobia na yata ako, Trevor.”

“Nasa isip mo lang ‘yan.”

“Kasi kung may mangyayari sa’yo, baka masiraan na ako ng ulo.”

“Talagang ganun mo ako kamahal, Thelma?”

“Oo.”

“Hindi ako mawawala sa buhay mo, Thelma.”

Napanatag ang isip ni Thelma.

Sa huwes din sila   nagpakasal. Tahimik na kasalan. Ganunman, masaya si Trev sa nangyaring kasalan ng ina at ng manunulat na si Trevor Buenviaje. Walang kaalam-alam si Trev na tunay niyang ama si Trevor.

(Itutuloy)

AYAW

LANG

SI TREVOR

THELMA

TREV

TREVOR

TREVOR BUENVIAJE

WALANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with