^

True Confessions

Thelma(131)

- Ronnie M. Halos -

“BAKIT natigilan ka Mommy? Anong iniisip mo?” Tanong ni Trev at nagulantang si Thelma.

“Ha? Wala! Wala Trev. Ano ngang sinasabi mo?’’

“O sabi na’t lumilipad ang isip mo.’’

Nag-imbento na si Thelma para hindi mabuko ng anak.

‘‘Yung shop natin sa probinsiya ang ini­isip ko. Baka hindi ikan­dado ang pinto e manakawan. Uso na ang nakawan sa shop doon.’’

“Mapagkakatiwalaan naman ang mga tao mo roon di ba?’’

“Malay mo baka may pagkakataon na malimutang ikandado,” sabing mariin ni Thelma at saka muling tinanong si Trev ukol sa sinasabi kanina. “Ano nga yung huling sinabi mo ukol doon sa pro-pesor mo?’’

“Sabi ko ipakikilala kita kay Sir Trevor minsan. Ipagsasama ko siya rito. Mabait siya Mommy. Walang ka-sing bait.”

“Bakit kailangan mo pa akong ipakilala? Kakahiya naman ang hitsura ko. Huwag na lang, Trev.’’

“Kasi lagi kitang naikukuwento sa kanya. Sabi ko, dakila kang ina. Lahat ay ginagawa mo para sa akin. Mahusay kang magplano. Marunong sa buhay. Magaling dumiskarte. Kung ang ibang babae ay mahina ang loob, ikaw ay hindi sapagkat kahit na namatay ang pangalawa mong asawa, madali ka ring nakarekober. Hindi ka nagmukmok bagkus ay nagsikap para ako makapag-aral sa magandang eskuwelahan.’’

Nakadama ng ka­kaibang kaligayahan si Thelma sa sinabi ng anak. Ngayon lang siya nakarinig ng ganoong klase ng papuri. Nakikita pala ng anak niya ang mga pagsasakri-pisyong ginagawa niya. Akala niya, balewala sa anak ang mga ginagawa niya.

“Hangang-hanga tuloy siya sa iyo Mommy. Iyon ang dahilan kaya gusto kitang ipakilala kay Sir Trevor. Ipinagmamalaki kita.’’

“Sinabi mo ba sa propesor na iyon na biyuda na ako at dalawang beses pa?”

“Oo. Sabi ko sa kan­ya, nasa tiyan mo pa ako nang mamatay ang aking daddy. Tapos ang ikalawang asawa mo na si Papa Caloy ay namatay naman sa atake sa puso.’’

“Talaga palang wala na tayong maililihim sa Propesor Trevor na iyon.”

“Sabi nga niya, maganda raw pala ang istorya ng buhay mo, Mommy. Baka gusto mo raw na maisulat ang buhay mo. Mas-yadong makulay daw pala ang buhay mo…”

“Manunulat ba siya?”

“Oo. Di ba sinabi ko na sa’yo. Marami na siyang naisulat na libro. Yung best seller daw niya na libro ay ‘yung Takaw. Nakailang printing na ang bookstore na naglathala.’’

Naalala ni Thelma na ang librong iyon ang ginagawa ni Tre­vor noong panahong sila ay magkaroon ng madaliang “pagtatalik’’.

(Itutuloy)

ANO

OO

PAPA CALOY

PROPESOR TREVOR

SABI

SIR TREVOR

THELMA

TREV

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with