^

True Confessions

Thelma (124)

- Ronnie M. Halos -

NAKALIMUTAN na ni Trevor Buenviaje ang keychain na iyon. Simple lang naman ang keychain. Hindi nakapanghihinayang na mawala. Hindi nga niya alam kung saan nangga-ling o sino ang nagbigay sa kanya. Basta naisipan lang niyang doon ilagay ang mga susi ng kanyang inuupahang kuwarto at susi na rin ng drawer.

Pero itinago pala iyon ni Thelma. Ang isang karaniwang keychain na wala namang gaanong halaga ay itinago sa loob ng 16 na taon. Kung walang halaga ang isang bagay hindi na kailangan pang itago. Pero itinago nga ni Thelma. Isa lang ang ibig sabihin niyon, umaasa siyang magkikita muli sila pagdating ng araw. Basta meron siyang naiisip para sa kinabukasan.

“Natatandaan mo na ang keychain, Trevor?’’

Tanong ni Thelma.

‘‘Oo. Natatandaan ko na.’’

Natahimik sila.

Maya-maya si Trevor na ang nagsalita. At hindi na makapagkaila si Thelma sa mga tanong ni Trevor. Huling-huli. Wala nang kawala ang itinatagong damdamin ni Thelma na agad inilabas. Hindi na rin napigilan.

‘‘Itinago mo ang keychain dahil alam mong balang araw ay maaari tayong magkita. May natitirang pag-asa sa isip mo na isang araw ay maaaring magkrus muli ang ating landas. Positibo kang madudug­tungan ang nangyari sa atin ng mada-ling araw na iyon…’’

Walang kaimik-imik si Thelma. Nakatungo lang ito. At alam ni Trevor ang pa­nanahimik na iyon ay kasing­kahulugan na rin ng pag-amin. Wala nang iba pang dahilan kaya, na­sisiguro niya may damdamin din para sa kanya si Thelma.

“Tama ba ako Thelma?”

Walang kibo ang babae. Nakatungo pa rin.

Kumilos si Trevor. Hinagi­lap ang palad ni Thelma. Hin-   di naman iyon iniiwas ng babae. Pinisil ni Trevor ang palad. Mainit ang manipis na palad ni Thelma. Pinisil pa uli ni Trevor ang mainit na palad.

‘‘Thelma...’’

Itinaas ni Thelma ang ulo. Tumingin kay Trevor. Nakita ni Trevor na namasa-masa ang mga mata. Tahimik na umiyak si Thelma. Sigurado si Trevor na ang pag-iyak ay tanda ng pagsuko at pag-amin.

‘‘Mahal mo ako Thelma? May damdamin ka sa akin?’’

Tumango si Thelma.

“Sabi ko na nga ba. Hindi mo itatago ang walang kuwentang bagay kung wala kang pagma­mahal. Imposibleng ingatan ang isang bagay kung walang halaga.’’

Nang pisilin uli ni Trevor ang palad ni Thelma, gumanti ito ng pisil. (Itutuloy)

LSQUO

NAKATUNGO

NATATANDAAN

PERO

PINISIL

THELMA

TREVOR

TREVOR BUENVIAJE

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with