^

True Confessions

Thelma (97)

- Ronnie M. Halos -

HINDI alam ni Thelma ang gagawin ngayong wala na si Caloy. At maski nga ang pag-aasikaso sa bangkay ng asawa ay litung-lito siya. Hind niya alam kung ano ang mga hakbang na gagawin.

Natanaw niya ang papalapit na attendant na pinakiusapan niyang mag-ayos ng mga papeles ni Caloy para madala ito sa morgue. Kung maaari ay ayaw niyang iwan ang katawan ng asawa.

“Hihintayin na lang po Mam ang pagtawag sa pangalan n’yo. Pinakiusap ko na po sa mga nasa counter na unahin.”

“Salamat. May ba­bayaran ba ako?”

“Konti lang po marahil.”

“Pakitulungan mo na ako ha. Gulung-gulo na ako.”

“Opo. Ako na po bahala.”

Sino pa ba ang maaaring tumulong sa kanya sa oras na iyon? Iniisip niya subalit ayaw gumana ang utak niya. Pagod na pagod na siya.

“Mama si Tita Ara, sabihin mo sa kanya na wala na si Papa Caloy,” sabi ni Trev na nakahawak sa kanya.

Oo nga! Si Ara, kailangang malaman ni Ara.

Dinukot ni Ara ang cell phone sa bulsa. Si Ara lamang ang makatutulong sa kanya. Wala nang iba pa.

Tinawagan niya si Ara sa Maynila. Noon pa, sinabi na sa kanya ni Ara na anuman ang mangyari sa amang si Caloy ay ipaalam sa kanya. Huwag daw mag-aatubili. Alam ni Ara na may sakit sa puso ang ama.

Nakontak ni Thelma si Ara. Unang pagsasalita pa lamang niya ay umiyajk na siya. Hindi niya nakayanan.

“Ara, ang papa mo wala na!”

Hindi agad nakapagsalita si Ara. Gimbal siya. Pero madali siyang nakabawi. Pinilit niyang magpakahinahon.

“Anong nangyari, Thelma?”

Ikinuwento ni Thelma. Wala siyang pinaglihim. Kailangang malaman ni Ara ang lahat. May kinalaman ang kapatid nitong si Judith sa nangyari.

“Sige Thelma, parating na ako riyan. Kumalma ka lang. Darating ako.”

“Salamat, Ara. Hindi ko nga alam ang gagawin. Nahihirapan ako.”

“Don’t worry, Thelma. Maaayos din natin yan. Please be calm. Ayaw ni Papa na magwo-worrry ka.”

Nagpaalam na si Ara.

Maluwag na ang kalooban ni Thelma. Ngayon ay may kakampi na siya.

Nakita ni Marian ang pag­lapit ng mabait na attendant.

“Okey na po ang papeles Mam. Maaari na pong dalhin sa morgue si Sir.”

“Ang babayaran?”

Ipinakita ng attendant ang papeles. Kaunti lang ang babayaran. Dumukot si Thelma ng pera at iniabot sa attendant. Ito na ang pinagbayad niya.

Mamaya-maya lang bu­malik na ang attendant at dinala na ang bangkay sa morgue para ilagak.

Tinulungan na rin ng attendant si Thelma para kumontak ng punerarya. Ilang oras lang ang lumipas at kinuha na ng punerarya ang bangkay ni Caloy sa morgue.

Kalmado na si Thelma. Hindi na siya umiiyak. Natanggap na niya ang nangyari kay Caloy.

(Itutuloy)

AKO

ARA

CALOY

NIYA

PAPA CALOY

SI ARA

SIGE THELMA

THELMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with