^

True Confessions

Thelma (86)

- Ronnie M. Halos -

IYON ay ikalawang babala ni Ara kay Thelma. Una ay pinayo na huwag pansinin ang anumang sasabihin ni Judith at ikalawa ay mag-ingat na ito.

“May kutob ako Thel, may gagawin si Ate para mawala ka sa piling ni Papa. Kasi’y minsan nang mag-usap kami sa phone, nasabi niya na mayroon daw hadlang sa kanya para matupad ang balak. At nahulaan ko, ikaw ang hadlang na iyon, Thel.”

“Galit na galit talaga siya sa akin, Ara. Bakit kaya siya galit na galit?”

“Dahil may gusto pa siyang kamkamin kay Papa. At siguro naiisip niya, kaysa sa iyo mapunta ang mga pinundar ni Papa, bakit hindi sa kanya?”

“Pero sabi ng papa mo, nakuha na ni Judith ang mana niya.”

“Matakaw si Ate, talo pa niya ang buwaya. Mas­ki noong kami ay maliliit pa, lahat ay gusto niyang makuha. Hindi siya nasisiyahan. Naranasan ko nga na pati ang sarili kong pera, gusto rin niyang kunin. Iba si Ate Judith. Ibang klase ang katakawan niya.”

“Salamat sa babala mo, Ara.”

“Mabuti na ang nag-iingat ka. Ayaw ko rin naman kasing may mangyari sa iyo dahil magiging masakit din ito para kay Papa. Mahal na mahal ka ni Papa, Thel. Nakikita kong makikislap ang mga mata ni Papa. Ngayon ko lang siya nakitang masigla. Bukod doon, talagang napaunlad mo ang negosyo ni Papa. Ngayon, ito namang tindahan ng spare parts ang nag-aakyat ng pera kay Papa. Mayaman na nga raw kayo.”

“Hindi pa. Pero malapit na.”

Nagtawa si Ara.

“Gusto ko nga sanang umuwi palagi rito para nagkikita tayo pero marami rin akong trabaho. Gusto kong makita lagi si Papa. Matanda na rin kasi siya. Kaya ikaw na ang bahala sa kanya, Thel.”

“Oo, Ara. Hindi ko pa­babayaan ang papa mo.”

“Naiisip ko kasi, baka si Ate Judith pa ang ma-ging dahilan ng maagang pagkawala ni Papa.”

Kinabahan si Thelma.

(Itutuloy)

ATE JUDITH

AYAW

BAKIT

NGAYON

PAPA

PERO

THEL

THELMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with