^

True Confessions

Thelma(85)

- Ronnie M. Halos -

LALONG naniwala si Caloy na may “mutya” sa pagnenegosyo si Thelma. Dagsa ang customer nila sa itina-yong shop ng motorcycle parts. Kumuha ng isang katulong si Caloy.

“Ako na lang ang tatao sa damitan, Thelma at ikaw dito sa shop. Mas kailangan ka rito dahil kabisado mo na agad ang paninda.”

“Kumuha tayo ng isang tindera para sa damitan. Mahirap kung ikaw pa ang kikilos doon. Baka mapagod ka e masama sa’yo.”

“Sige. Ikaw na ang humanap. Yung kakilala mo para hindi na mahirap pakisamahan.”

“Oo sige. Pero alam mo ang balak ko, sa umaga ay dito ako tapos sa hapon ay sa damitan.”

“Sige kung yan ang akala mong mabuti.”

“Para parehas kong nasusubaybayan.”

“Bilib na talaga ako sa’yo, Thel. Hindi ako nagkamali sa’yo.”

Ngumiti lamang si Thelma. Ilang beses nang sinabi iyon ni Caloy. At alam niya, hindi nagbibiro si Caloy. Malaki ang tiwala sa kanya ni Caloy.

“Maski mamatay ako, alam kong nasa mabuting kamay ang negosyo.”

Umalma si Thelma.

“Huwag kang magsalita ng tungkol sa patay, Caloy. Magagalit na talaga ako sa’yo. Lagi mo na lang bukambibig ‘yan!”

Nagtawa naman si Caloy.

“Okey! Okey! Hindi na. Sorry na.”

“Kung ayaw mo akong magalit, huwag kang babanggit ng tungkol sa patay.”

“Hindi na.”

MINSAN, dumating si Ara sa bagong shop nina Thelma. Galing sa Maynila si Ara.

“Ang yaman mo na Thel,” sabi nito makaraang halikan.

“Hindi lang ako, pati ang papa mo.”

“Pero ikaw ang suwerte kay Papa. Nagpapasa-lamat ako at maligaya si Papa sa piling mo. Siguro kung hindi kayo naging mag-asawa baka walang ginagawa ‘yan. Nakatu-nganga lang.”

“Salamat naman, Ara. Napakabuti mo talaga.”

“Ang ingatan mo lang ay ang kapatid ko, Thel. Baka may gawin sa’yo.”

(Itutuloy)

AKO

CALOY

KUMUHA

PERO

SIGE

THEL

THELMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with