GUSTONG mabaliw ni Mang Caloy sa oras na iyon. Sino ang hindi mababaliw sa panibago niyang naranasan. Magiging ipokrito siya kung hindi aaminin na noon lang niya naranasan ang ganoon. Inaamin ni Mang Caloy na mahilig siyang manilip pero hanggang doon lang. Hindi siya yung tipo ng lalaki na basta makaramdam ng “L” ay agad maghahanap ng babaing bayaran. Hindi siya ganoon. Takot siyang gumamit dahil alam niyang maraming sakit ang nagkalat. Kakahiya na ang katulad niyang senior citizen na ay magkakasakit pa sa babae. Mahilig lang siyang manilip pero ganoon lang. Nag-iimadyin na lang siya gaya ng ginawa niya kay Thelma na hindi niya akalain na ubod pala ng galing. Hindi siya nagkamali. Para siyang tumama sa lotto.
“Thel…” sabi niya.
Tumigil si Thelma sa ginagawa.
Ang mga mata lang nila ang nag-usap at nagkaintindihan. Kailangang-kailangan na.
E di ginawa nila.
Puwede pa pala si Mang Caloy. Akala ni Thelma ay baka hindi na uubra. Masyado niyang nahusgahan ang matanda. Okey pa pala ito. Wala pang problema.
Nang matapos ang kanilang “paghahamok” ay kapwa sila naubusan ng lakas. Inilatag nila ang mga katawan. Sa isip ni Thelma, talagang pag-aari na siya ni Mang Caloy. Sa isip ni Mang Caloy, kanyang-kanya na si Thelma. Naangkin na niya ang babaing nagdala sa kanya ng suwerte. At maaaring umulan pa ng suwerte. Nakita niya ang pinagmumulan ng suwerte.
“May nunal ka nga sa pagitan ng suso. Sabi ko na nga ba’t kaya palaging may benta ang tindahan.”
“Totoo ba talaga ito, Caloy?”
“Oo. Basta may nunal sa cleavage, tiyak dagsa ang customer. Umaakit ng suwerte.”
“Akala ko nagbibiro ka lang. Akala ko gusto mo lang akong makitaan ng suso.”
“Totoo talaga, Thel.”
“E kung magtayo pa kaya tayo ng isa pang tindahan?”
“Ano namang tindahan, Thel?”
“Huwag nang damit. Subukan naman natin ang motorcycle parts. Di ba ang daming traysikel dito.”
Kumislap ang mga mata ni Mang Caloy. Puwede ang naisip ni Thelma.
“Sige!”
“Baka dito na tayo yumaman nang todo, Caloy.”
(Itutuloy)