^

True Confessions

Thelma (67)

- Ronnie M. Halos -

LUMABAS na sina Thelma at Trev. Pero hinabol sila ni Ara.

“Pasensiya ka na kay Ate Judith, Thelma. Medyo­ masungit ang araw niya ngayon.”

“Okey lang Ara.”

“Ikaw na muna ang bahala sa tindahan ni Papa. Matatagalan pa bago makapunta roon si Papa.”

“Oo. Huwag kang mag-alala. Ako ang bahala.”

“Sabi ni Papa, kabi­sado mo ang tindahan. Sanay na sanay ka raw.”

“Mabilis lang naman.”

“Kapag may time ako, bisitahin kita roon. Alam mo hindi pa ako nakakarating sa tindahan. Kasi matagal na ako sa Maynila. Hindi ko alam ang puwesto ni Papa.”

“Sige hihintayin kita roon, Ara.”

Nabalingan ni Ara si Trev. Hinawakan sa ulo.

“Ang pogi nitong si Trev. Guwapo sigurado ang papa nito.”

“Hindi ko po alam. Kasi po patay na siya.”

“Oww, wala na pala si Papa mo. Kawawa ka naman. Teka nga pala at bibigyan kita ng gift,” sabi ni Ara at dumukot sa bulsa. Five hundred pesos ang nadukot. “Eto, Trev. Itago mo ha. Ibili mo ng laruan o damit.”

“Salamat po.”

Hinawakan uli ito sa ulo ni Ara.

“Guwapo talaga nito,” sabi at binalingan si Thelma­. “Biyuda ka na pala, Thelma?”

“Oo.”

“Bata ka pa.”

“Kayo lang ni Trev ang magkasama sa bahay?”

“Oo.”

“Sigurado may nanliligaw na sa’yo. Maganda ka kasi, Thelma at sexy pa ha?”

“Hindi naman, Ara. Sana kasingganda mo ako.”

Nagtawanan sila. Na­isip naman ni Thelma, ano kaya at malaman ni Ara na nanliligaw sa kanya ang ama nitong si Mang Caloy. Baka ma-shock ito. At paano kung ang kapatid nitong si Judith na saksakan ng sungit at matapobre ang makaalam sa panliligaw ni Mang Caloy? Kinabahan si Thelma.

“Sige Ara, aalis na kami. Salamat nang marami sa pagtanggap mo sa amin.”

Hinalikan ni Thelma si Ara. Hinalikan din naman ni Ara si Trev.

(Itutuloy)

ARA

ATE JUDITH

GUWAPO

HINALIKAN

MANG CALOY

OO

THELMA

TREV

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with