^

True Confessions

Thelma (45)

- Ronnie M. Halos -

PATULOY sa pagla-laro ang imahinas-yon ni Thelma ukol sa nangyari sa kanila noon ng manunulat na si Trevor Buenvia­je. Hindi talaga niya malilimutan si Trevor. Maaaring malimutan siya ni Trevor pero siya, kahit pa anong gawin, hindi niya malilimot ang kaanyuan ng matikas na lalaki na nagsabog ng kamandag sa kanyang sinapupunan. Ang paghanga niya kay Trevor ay walang katulad. Siguro’y dahil miminsan silang nagtalik pero ang bagsik ng kamandag nito ay agad nabuo sa kanyang sinapupunan. Palibhasa’y bata pa at malakas si Trevor kaya agad na nabuo ang ipinunla sa kanya. At mabilis talagang mabubuo at mabubuo ang ipinunla sapagkat mayaman ang lupang pinaghasikan.

Nang matapos ang kanilang hindi malilimutang pagtatalik ni Trevor, walang namagitang salita sa kanila. Nagmamadali si Trevor sapagkat baka abutan ni Delmo na noon ay maagang namasada ng traysikel. Ni hindi na niya naalok na magkape si Trevor. Inihatid lang niya ng tanaw habang paalis. Hanggang sa mawala sa dilim. Umalis si Trevor pero ang alaala sa kanya ay hindi mawawala. Isang magandang alaala ang iniwan sa kanya.

Natatandaan niya nang una siyang makaramdam ng pagbaliktad ng sikmura, dalawang buwan makaraan ang kanilang pagtatalik. Duduwal siya sa lababo pero wala namang mailabas. Pagkatapos ay may butil-butil ng pawis na sumungaw sa kanyang noo. At kasunod ay ang pagiging antukin niya. Hanggang sa maramdaman niya ang matinding pagkasabik sa pagkaing matatamis laluna ang pakumbo at panutsa.

Napansin ni Delmo ang mga kakaibang nangyayari at ito na ang nagdala sa kanya sa clinic. At ganoon na lamang ang katuwaan ni Delmo nang sabihin ng doktora na buntis siya. Pagkaraan nang maraming taon nang pagsasama ay nagbu-nga rin. Nakokonsensiya naman si Thelma, sapagkat alam niyang hindi si Delmo ang ama ng pinagbubuntis. Pero wala na siyang magagawa kundi ang manahimik. Hayaang maniwala si Delmo na ang ipinagbubuntis ay sa kanya. Namatay si Delmo na iyon ang pa­niwala.

Ngayon ay malaki na at bibo ang kanyang si Trev. At habang luma­laki, lalong nagiging kamukha ng ama. Parang pinilas sa mukha ng amang manunulat.

“Mama, I love you!”

Ang nagsalita ay ang anak na si Trev. Iyon ang paborito nitong linya. May pagkapaos ang tinig. Mana rin sa ama. Si Trev la­ mang ang tanging ka­yamanan niya. Igagapang niya si Trev para magkaroon ng magandang kinabukasan. Gagawin niya ang la-hat para makapag-aral sa magandang eskuwelahan. (Itutuloy)

DELMO

DUDUWAL

GAGAWIN

HANGGANG

NIYA

SI TREV

THELMA

TREV

TREVOR

TREVOR BUENVIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with