^

True Confessions

Thelma (24)

- Ronnie M. Halos -

IBINIGAY ni Thelma kay Mang Caloy ang kinita ng tindahan.

“Aba ang laki nito ah. Mabuti pa yata kung wala ako. Talagang kumbinsido na ako na mayroon kang “mutya” sa kalamansi.”

“Wala po. Talaga lang maraming customer kahapon.”

“A e di tama na kapag may nunal sa dibdib ay ta­ lagang pinuputakti ng mamimili.”

Napangiti si Thelma. Eto naman at siningit ang pagkakaroon ng nunal sa dibdib. Akala niya nalimutan na.

“Alagaan mo ang nunal na ‘yan at baka yan ang magdala sa iyo ng suwerte. Malay mo baka maging mil­yonarya ka dahil sa nunal na ‘yan.”

Ngumiti lang uli si Thelma.

“Huwag mong ipakikita sa iba pero sa akin ipakita mo.”

Hindi ngumiti si Thelma. Eto na naman at nilalaro na yata siya. Parang hinaha-mon siya na ipakita ang nunal na nasa pagitan ng dibdib niya. Parang tinutukso siya.

“Dyok lang Thelma. Baka maniwala ka. Wala lang akong magawa dahil sa mga problema.”

Napangiti na si Thelma.

“Mamayang lunch e bumili ka ng pagkain natin ha. Isang buong fried chicken, isang chopsuey, isang pansit at saka kanin. Libre ko dahil sa malaking kinita ng tindahan.”

“Para yun lang Mang Caloy e illibre mo na ako ng lunch.”

“Aba siyempre para lalo kang sipagin na magtinda. Para lalong mas malaki ang kitain.”

Napatangu-tango naman si Thelma. Sabagay gasino na lamang ba ang fried chicken sa laki ng kinita kahapon.

Nang dumating ang lunch time, ginawa ni Thel­ma ang utos ni Mang Caloy. Bumili siya ng pagkain.

Masagana ang lunch nila ni Mang Caloy. Sa mesa ni Mang Caloy sila kumain.

“Kain ka nang kain, Thel­ma,” sabi ni Mang Caloy.

Nang tingnan ni Thelma si Mang Caloy nakasilip ito sa ukab ng t-shirt niya na tila hinahanap ang nunal sa pagitan ng mga umbok.

(Itutuloy)

CALOY

ETO

MANG

MANG CALOY

NANG

NAPANGITI

THEL

THELMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with