Takaw (51)

“KUNWARI ay hindi ko napansin ang ginagawa ni Lolit. Nagpatuloy ako sa pag-akyat sa hagdan at iniabot ko sa kanya ang yadyaran ng ba-linghoy. Kunwari ay tinanong ko kung nasaan si Dionisio kahit alam kong nasa kaingin. Sagot ni Lolit ay wala raw at nasa bukid. Hindi na ako nagtanong pa kay Lolit at nagpaalam na ako.

“Hindi na rin ako lumingon sa kanya ng nasa ibaba na ako. Baka magtaka lang kung lilingon ako. At saka malay ko kung itinuloy niya ang ginagawa kanina na nakadukot ang isang kamay sa loob ng shorts.

“Habang naglalakad pau-wi ay kung anu-ano na ang aking naiisip. Kung ka­ilan ako tumanda ay saka ako nakaranas ng mga ganito na para bang mahirap ipaliwanag. Pinanonood kaya ni Lolit si Alex habang naliligo sa banyo kanina? Iyon ang paulit-ulit na itinatanong ng isip ko. Naalala ko na doon din sa bintanang iyon na nakadungaw si Alex nang minsang pumunta ako at si Lolit naman ang naliligo sa banyo. Kanina, nakita kong naliligo si Alex pero hindi ko na gaanong tiningnan. Hindi ko alam kung hubo’t hubad ang pamangkin ko. Basta iniwasan kong tumingin.

“Pero nang makita ko ang ginagawa ni Lolit nagkaroon ako ng sapantaha na kaya siya gumagawa ng ganoon ay dahil napapanood niya si Alex. Ay nakupo at talagang kapag naiisip ko ang nakita ko kay Lolit ay talagang iisipin kong siya ay manyak. Tama ba ako, Trevor, manyak ba ang tawag sa ganoong babae na pinaliligaya ang sarili?”

“Nymphomaniac po Lola Imang,” sagot ni Trevor.

“Ah ganun baga. Yun nga ang naipalagay ko kay Lolit. Para bang siya ay uhaw na uhaw sa kung ano. Ewan ko ba kung bakit ganun siya.

“Makalipas muli ang mga ilang araw ay nagtungo muli ako kina Dionisio. Hindi ko na maalala kung bakit ako nagtungo roon. Basta nang dumating ako e naroon si Dionisio at naghahasa nang mahabang itak. Maputing-maputi na ang itak na hinahasa at halatang matalim na matalim.

“Tinanong ko si Dionisio kung bakit hindi nagpunta sa kaingin. Sagot ay masama raw ang pakiramdam niya. Sabi ko’y bakit hindi siya magpahinga para lumakas ang katawan. Bakit hasa siya nang hasa ng itak? Sagot ba naman ay mabuti na raw ang laging matalim ang itak para kung gagamitin ay isang tagpasan lang.

“Napamulagat ako at parang kinabahan. Kasi’y parang napakalalim nang tinuran ni Dionisio. Para bang may ibig siyang sabihin. Ako ay kinuribdiban. Yung itak na hinahasa niya ay ginagamit niyang pangtabas ng mga damo. Talagang ipinagawa niya ang itak para magamit sa pagbubukid’’.  (Itutuloy)

Show comments