^

True Confessions

Takaw (38)

- Ronnie M. Halos -

HALATA ni Trevor na may epekto na kay Dick ang pagdating ng asawa ni Ella. Itinatago niya pero halata sa kilos. “Inom uli tayo, Pareng Trevor. Bibili lang ako, saglit lang,”

sabi at mabilis na bumaba si Dick.

Gustong idaan sa pag-inom ang problema. Apek­tado na agad. Iniisip siguro na mawawalan na ng “sugar mommy”.

Maya-maya ay eto na si Dick. Bitbit ang alak. Bumili na rin ng pulutang mani.

“Uubusin natin ‘to Pa­reng Trevor. Gusto kong malasing.”

Nagtawa si Trevor.

“Marami yan, Dick. Baka magdamag na ta-yong mag-inuman.”

“Pagbigyan mo na ako Pareng Trevor. Wala e ta­ lagang ganito siguro ang nararamdaman nang “matakaw” sa laman.”

Napamaang si Trevor. Nalaliman sa sinabi ni Dick.

“Ayaw daw nang ma­takaw na maaagawan sa laman. Ganito ang nara­ramdaman ko Pareng Tre­vor. Ako ang nang-agaw pero pakiramdam ko, inagawan din ako.”

“Parang nagseselos ka dahil ang katabi nga-yon ni Ella ay ang asawa niya?”

“Oo. Ibang klase ako ano?”

“Ayaw mo nang ma- wala sa iyo si Ella?”

“Parang ganun na nga. Natatakot na akong mawala siya dahil narito na ang asawa niya.”

“E kung tuluyan mo nang layuan si Ella?”

“Mahirap sagutin yan, Pareng Trevor. Teka, tagay na muna tayo. Mamaya na kita sasagutin kapag may karga na ako.”

Kumuha ng dalawang baso at yelo si Trevor. Si Dick ang nagsalin ng alak sa dalawang baso. Kalahati sa baso. Nag-toast sila. Nang ibaba ay wala nang laman ang mga baso.

“Mahirap ang sinasabi mo Pareng Trevor, di ko yata kayang makipaghiwalay kay Ella.”

“Napamahal na ba sa’yo?”

“Hindi ko alam. Basta ang pakiramdam ko, hindi ko kaya na wala siya.”

“Kasi nga nasanay ka na umaasa sa kanya. Sa kanya lahat galing ang ginagastos mo. Bakit ayaw mo kasing mag-iba ng linya?”

Natahimik si Dick.

“Dick payo ko lang ito, layuan mo na si Ella. Patunayan mong kaya mong tumayo kahit wala si Ella. Natatakot ka ka-sing mawala siya dahil malaki ang napapakina­bang mo. Natatakawan ka lang. Kaya mo namang magtrabaho di ba?”

Nakatingin lang sa ibang direksiyon si Dick. Nag-iisip.

Maya-maya nagsalin uli sa dalawang baso. Tumungga uli. Inubos.

(Itutuloy)

vuukle comment

AYAW

DICK

ELLA

MAHIRAP

NANG

NATATAKOT

PARENG TREVOR

TREVOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with