^

True Confessions

Takaw (36)

- Ronnie M. Halos -

“NAKAKAAPAT kami ni Ella, Pareng Trevor,” sabi ni Dick.

“Totoo ba ‘yan o ni­loloko mo lang ako?”

“Totoo, Pareng Tre­vor. At alam mo naniniwala ako na kapag may nunal “doon” ay talagang superhilig.”

“May nunal sa “ano” si Ella?”

“Oo. Nakita ko mismo. Malaki at maitim. Kitang-kita”

Napahagakgak si Trevor. Nagsasabi nga siguro ng totoo si Dick dahil nailarawan nang husto ang nunal ni Ella.

“Alam mo bang mag­papahinga lang kami at sex na naman. Maski ako ay hindi makapaniwala sa grabeng “kahiligan” ni Ella. Mabuti na lang at kaya kong sabayan ang “kahiligan”. Kung hindi ay lupaypay na ako.”

“Baka naman meron ka ring nunal diyan sa “ano” mo?”

Si Dick naman ang napahagakgak. Tapos ay nagseryoso.

“Pareng Trevor, meron nga rin akong nunal dito sa ano ko. Nasa ulo.”

Napabunghalit ng tawa si Trevor. Hindi mapigil ang pagtawa. Nayugyog ang inuupuan.

“Pareng Trevor, akalain mo bang magkakatagpo kami ni Ella na parehong may nunal sa “ari”. Kakaibang istorya ano?”

“Kakaiba nga yan, Dick. Ngayon lang ako nakarinig na parehong may nunal ang nagkaroon ng relasyon. Soulmate siguro kayo.”

“Siguro nga. Alam mo bang katatapos lang ng pagtatalik namin e parang gusto ko uli. At siya naman ay ganundin. Hindi uso sa akin ang Viagra, Pareng Trevor.”

“Nakakabilib ka Dick. Siguro sobra-sobra ang hormones ninyong da-lawa kaya wala kayong pagkasawa.”

“Hindi kaya sakit na ito, Pareng Trevor. Kasi naiisip ko manyakis na ako.”

“Hindi naman siguro, Dick.”

“Natural nga lang siguro ito ano, Pareng Trevor.”

“Oo. E teka, yung asawa ni Ella, paano raw makipaglaro sa kama?”

“Wala raw kala­tuy-atoy. Wala raw pa­­ sakalye. Kapag iniu­mang, putok agad. Na­ iiwan daw siya sa ere. Kaya raw umiinit ang ulo ni Ella. Para raw walang katalik at ang sarili lang ang iniisip.”

Napatangu-tango si Trevor.

“Tagay pa tayo, Dick.”

“Ang isang puri ko lang kay Ella, talagang mabait. Kapag sinabi kong kailangan ko ng pera, bigay agad. Kahit magkano ang hingin ko, walang problema.”

“Wala nang kung anu-ano pang ta­nong?”

“Wala na. Kaya nga hindi ko siya bibitawan. Kahit na bumalik ang asawa niya rito mula Saudi, hindi ko siya iiwan.”

(Itutuloy)

ALAM

ELLA

LANG

PARENG TREVOR

SHY

TREVOR

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with