^

True Confessions

Takaw(35)

- Ronnie M. Halos -

“SABI ko sa’yo ako na ang bahala sa alak, gumastos ka pa,” sabi ni Trevor Buenviaje kay Dick. Binubuksan na ni Dick ang Black Label.

“Okey lang Pareng Trevor. May pera na ako. Medyo paldo na naman.”

“Saan nga raw pala nagpunta si Ella at walang tao sa bahay niya?’’

‘‘Sa Cavite raw, bini­bisita ang pinagaga-wang bahay. Hindi na raw niya ako natawagan dahil maraming inasikaso.’’

‘‘Matatapos na ang bahay?’’

‘‘Matagal pa raw. Pero gusto raw ng asa­wa niya, pagdating ga-ling Saudi e doon na magderetso.’’

“E di kapag doon na nakatira si Ella e hindi na tayo magkakainuman?’’

‘‘Oo nga. Sabi ko nga kay Ellen e bakit ang layo ng kanilang piniling lugar. Sabi ko nga baka hindi na kami magkita dahil malayo siya.’’

“Anong sagot?’’

‘‘Kahit naman daw malayo ay magkikita pa rin kami. Basta huwag ko raw problemahin yun at siya ang gagawa ng paraan.’’

“Talagang love na love ka ha?’’

Napahagikhik si Dick at hinagod ang manipis na bigote.

“Hindi niya kasi malimutan ang ginagawa ko kapag nagsi-sex kami.’’

“Anong ginagawa mo?’’

“Teka, kailangan maka-shot muna. Mamaya na ang karugtong.’’

Si Trevor naman ang napahagikgik at nagsalin ng alak sa baso. Kalahati agad.

“O umpisahan na natin,” sabi ni Trevor.

Nag-toast sila. Nang ibaba pareho ang mga baso ay wala nang laman.

‘‘O tuloy ang kuwento mo Dick. Pinaiinit mo kasi ako, eh.’’

Humagikgik uli si Dick at hinagod uli ang manipis na bigote.

“Dahil dito sa bigoteng ito, Pareng Trevor. Baliw na baliw si Ella kapag ginamit ito. Lumi­liyad talaga. Masaganang-masagana ang katas pagkatapos.’’

Tawanan sila.

“Gusto talaga ni Ella na kalikutin siya nang kalikutin. At kapag ginagawa ko na iyon, grabe ang halinghing, kung nakabukas ang bintana maaaring marinig ng kapitbahay. Sobra ang hilig niya, Pareng Trevor. Alam mo ba kung ilang beses kaming magtalik sa isang araw?”

“Ilan?”

Pero bago sinagot iyon, tumagay uli sila. (Itutuloy)

vuukle comment

ANONG

BLACK LABEL

ELLA

LSQUO

PARENG TREVOR

PERO

SA CAVITE

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with