^

True Confessions

Takaw (34)

- Ronnie M. Halos -

“BUKAS na ang pinto, Dick. Naroon na si Ella,” sabi ni Trevor.

“Sige Pareng Trevor, punta na muna ako roon.”

“Isang shot pa. Para lalong ganahan sa romansa,” sabi ni Trevor at nagsalin. Sabay silang uminom.

“Tamang-tama ito Pareng Trevor. Kapag me karga ako e lalo akong nagiging wild sa kama. Mahihirapan na naman si Ella sa akin.”

“Pilyo ka talaga, Dick. Sige. Mag-enjoy kayo ni Ella.”

“Basta Pareng Dick, tayong dalawa lang ang nakaaalam nito.”

“Oo. Walang problema.”

“Pupuntahan uli kita rito at ako naman ang magdadala ng bote.”

“Huwag na Dick. Ako ang bahala sa inumin.”

“Sige. Salamat.”

Nagkamayan sila bago bumaba si Dick.

Nang makaalis si Dick ay niligpit ni Trevor ang mga basong ginamit nila. Ang alak na may natira pang mga dalawang shot siguro ay ibinalik niya sa pinagkuhaan kanina. Pagbalik ni Dick, bibili siya ng bago sa 7-11. Kailangang painumin niya si Dick para ganahan pang magkuwento. Kapag may karga si Dick ay parang agos ng tubig ang pagkukuwento. Hindi mapigilan ang pagsisiwalat ng mga nangyayari sa kanila ni Ella. At sa tipo ay okey na sa kanya ang ganoong sitwasyon na “sugar mommy” niya si Ella. Ayaw na raw siyang pagtrabahuhin ng babae. Pero sa hula ni Trevor, ayaw na talagang magtrabaho ni Dick. Umaasa na lang siya sa sustento ni Ella. Wala nga namang kahirap-hirap. Nasasarapan na siya ay nagsasawa pa sa pera. Ang mahirap ay kapag nalaman ng asawa ni Ella ang paglalaro nila ng apoy. Baka matulad si Dick sa nangyari sa isang bayan sa Laguna, na pinugutan ng ulo ang magkalaguyo makaraang maaktuhan ang ginagawang pagtatalik. Pero sa tipo ni Dick ay hindi natatakot sa ganoong sitwasyon.

Makalipas ang isang linggo ay dumalaw si Dick. May dalang Black Label at pulutan na bagong lutong sisig. Mahaba-haba na namang kuwentuhan ito, nasabi ni Trevor sa sarili. Marami na naman siyang maisusulat. (Itutuloy)

vuukle comment

BASTA PARENG DICK

BLACK LABEL

DICK

ELLA

KAPAG

PARENG TREVOR

PERO

TREVOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with