^

True Confessions

Takaw (33)

- Ronnie M. Halos -

NAGKUWENTO pa nang nagkuwento si Dick. Habang dumadami ang naiinom nila ay lalo pang ginanahan sa pagkukuwento.

“Halos araw-araw ay nagkikita kami ni Ella. Nung nasa dating tirahan siya ay halos doon na ako natutulog. Ayaw na akong pauwiin e.”

“E paano ang trabaho mo, di ba waiter ka?”

“Pinagresign na niya ako.”

“Talagang matindi ang pagkahumaling sa’yo, Dick?”

“Oo. Pero noon ko pa naman talaga gustong magresign sa restaurant dahil karampot ang kita. Bukod doon ay madalas ko pang makabangga ang ma­nedyer. Kaya nang ma­kila- la ko si Ella, lumakas ang loob ko. Pagkakataon na.”

“Yung asawa niya saan nagtatrabaho?”

“Sa kompanya raw ng gatas sa Saudi. Malaki raw ang kita, ayon kay Ella.”

“Matagal na raw doon sa Saudi?”

“Oo. Gulf war daw ay naroon na iyon.”

“Paano kung biglang umuwi at maabot kayong dalawa?”

“Every two years daw ang uwi ng mister niya.”

“Paano nga biglang dumating at nakapasok pa ‘yan si dayunyor mo sa school ni Ella, paanong gagawin mo?”

Nagtawa si Dick.

“Nakakatawa naman ang sinabi mo, Pareng Tre-vor. Ang husay mong gumawa ng mga salita. Manunu-lat ka nga, Pareng Trevor.”

“Sagutin mo muna ako, Dick. Paano kapag nahuli kayo?”

“Tatalon ako sa bintana. May bintana sa gilid ang bahay ni Ella.”

“Tatalon ka kahit hubad?”

Nagtawa si Dick.

“Oo tatalon ako. Kaysa naman mahuli. Bahala na.”

Uminom pa sila.

Maya-maya, bumaba uli si Trevor para tingnan kung dumating na si Ella.

Nang bumalik e si­na­bing naroon na si Ella.

(Itutuloy)

vuukle comment

AYAW

ELLA

NAGTAWA

OO

PAANO

PARENG TRE

PARENG TREVOR

TATALON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with