^

True Confessions

Takaw (33)

- Ronnie M. Halos -

“PILYO ka pala, Dick. Kala ko pinsan mo talaga si Ella. Paniwalang-paniwa-la ako sa’yo, ah,” sabi ni Trevor Buenviaje at tinapik-tapik si Dick sa balikat.

“Pareng Trevor, tayong dalawa lang ang naka­aalam nito ha. Kasi kaya dito lumipat ng bahay si Ella e dahil dun sa dati niyang inuupahan e kalat na ang relasyon namin. Mga tsismosa ang mga kapitbahay…”

“Wala kang dapat alalalahanin sa akin, Dick. Tayong dalawa lang ang nakaaalam nito. O inom pa tayo. Marami pa itong alak natin.’’

“Nandiyan na kaya si Ella?’’

‘‘Sisilipin ko ang pinto kung nakakandado pa. Sandali lang ha,” tumayo si Trevor. Medyo humihibay na siya.

‘‘Ako na lang Pareng Trevor, kakahiya naman sa’yo.”

“Ako na Dick. Baka me-ron pang makakita sa’yo e maghinala. Diyan ka lang at sisilipin ko.’’

Pumanaog si Trevor.

Wala pang dalawang minuto ay bumalik na si Trevor.

“Wala pa Dick. Nakakandado pa.’’

“Saan kaya nagpunta si Ella? Kailangan ko pa naman ng pera ngayon.’’

“Baka naman nagpunta sa mga kamag-anak.”

“Alam ko nasa probinsiya ang mga kamag-anak niya.’’

“Baka may binili lang sa SM.’’

“Nagtataka ako kung bakit hindi man lang nagti-text.”

“E di ikaw ang mag-text sa kanya.’’

“Ayaw niya at baka raw may makabasa e mabisto ang relasyon namin.’’

“Matagal na ba kayong may relasyon Dick?’’

“Mga isang taon na. Kaaalis lang ng asawa   niya nang magkakilala kami.’’

“Wala silang anak?”

“Paano kayo nagkakilala?’’

“Sa restoran na pinagtatrabahuhan ko dati. Kumain si Ella. Tingin nang tingin sa akin. Nang kunin ang chit niya ako ang tinawag. Nagpakita na ng motibo. E ako naman madaling makahalata. Palagay ko gusto nang makakaromansa. Ibi­nigay ang cell number. Nagtawagan kami. Yun nga nalaman kong nasa abroad pala ang asawa.’’

“E ikaw binata?’’

“Binatang ama. Nasa probinsiya ang anak ko. Nasa tatay at nanay ko. Yung ina hindi ko na alam kung nasaan.’’

“Mas matanda si Ella ano?’’

“Oo. Malaki ang tanda sa akin — mga 20 siguro. Bata lang tingnan dahil maposturyusa, pero masabaw pa Pareng Trevor…’’

‘‘Pilyo ka talaga ha.”

“Kailangang kumapit ako sa kanya Pareng Trevor para mabuhay.’’

‘‘Walang pag-ibig.’’

‘‘Wala sa akin. Ewan ko siya. Siguro baka sex lang ang hanap. Wala nga ang asawa eh.’’

Napangiti si Trevor. Sa kabilang bahagi ng utak niya, naglalaro na isa namang kuwento ang napasama sa koleksiyon niya ng ‘’kuwentong magkalaguyo’’. Tiyak na marami pang ikukuwento si Dick ukol sa relasyon nila ni Ella. (Itutuloy)

vuukle comment

AKO

ELLA

LANG

LSQUO

PARENG TREVOR

TREVOR

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with