^

True Confessions

Ganti (82)

- Ronnie M. Halos -

IKINASAL sina Encar at Nado. Pagkaraan ng kasal ay sinimulan nang itayo ang meat shop na idea ni Edel. Ang mag-asawang Encar at Nado ang namahala sa meat shop. Nagamit ang kaalaman ni Nado sa karne. Kaya mga ilang buwan lang ay nakita na ang pag-unlad ng LORENA’S MEAT SHOP.

Ang mga kapatid ni En-car sa probinsiya ay dinala na niya sa Nagcarlan at naging katulong na sa negosyo. Nakabili ng bahay at lupa sina Encar. Nadagdagan na ang kanilang anak. Kaya masayang-masaya si Fernando o Andoy nang magkaroon ng kapatid na babae. Mahal na mahal naman ni Nado si Andoy. Madalas na nasa bahay ni Lorena si Andoy.

Kapag pinagmamasdan ni Lorena si Andoy ay hindi maipagkakailang kapatid ito ni Edel. Kung gaano kasingkit si Edel ay ganundin si Andoy.

Minsan ay nagkakuwentuhan sila ni Encar.

‘‘Mukhang abalang-abala kayo ni Nado ngayon, Encar.’’

‘‘Super busy talaga, Ate dahil halos sa meat shop na natin nagtutungo ang mga kustomer. Sa palengke raw kasi ay maraming langaw samantalang dito sa ating meatshop ay malinis at aircon pa.”

“Yan nga ang uso ngayon, Encar. Sabi ni Edel, bukod daw sa karne e puwede rin kayong magtinda ng gulay. Yung mga pangsahog sa nilaga at sinigang na karne ay diyan na bibilhin. Parang 3-in-1 baga.”

“Oo nga ano, Ate. Ang husay talaga ni Edel.”

“Siyempre, Anak ko di ba?” Sabi ni Lorena at nagtawa.

Lumapit naman si Encar at idinikit ang bibig sa taynga ni Lorena.

‘‘Ate palagay ko si Andoy ay matalino rin at baka mahusay ding negosyante katulad ng ama niya…’’

“Mabuti naman. Malay mo, si Andoy pala ang magbibigay sa inyo nang maraming pera. Baka dumating ang araw, na isa ka sa pinakamayaman dito sa Nagcarlan.’’

Nagtawa si Encar.

‘‘Kakalabanin ba naman kita, Ate?’’

‘‘Talagang ganun ang negosyo, Encar. Matira ang matibay. Kung sino ang mahusay magpatakbo, iyon ang nananalo.’’

Napangiti lamang si Encar. Humanga siya kay Lorena dahil sa lawak ng pang-unawa nito. Hindi lamang pala ito matulungin.

Nagseryoso na si Encar nang muling magsalita.

‘‘Ate, ipagtapat ko kaya kay Andoy pagdating ng panahon ang tunay niyang pagkatao. Na siya ay anak ng Intsik at hindi ni Nado.’’

‘‘Ipagtapat mo sa kanya ang lahat kapag sapat na ang isipan niya. Huwag mong ililihim. Maniwala ka sa akin, wala kang pagsisisihan kapag ipinagtapat mo ang katotohanan kay Andoy.’’

“Gagawin ko ang sinabi mo, Ate. Lahat nang ipayo mo ay susundin ko sapagkat nakasisiguro ako.’’

‘‘Salamat naman sa pagtitiwala mo sa akin, Encar.’’

Hindi lamang pala si Encar ang matutulungan ni Lorena sa pagpapakasal kundi maging si Pau. Si Pau katulad ni Encar ay naanakan din ng Intsik. Babae ang naging anak ni Pau na ang pangalan ay Felisa.

Balak na palang magpakasal ni Pau at ng boyfriend nitong Brent. (Itutuloy)

vuukle comment

ANDOY

EDEL

ENCAR

INTSIK

KAYA

LORENA

LSQUO

NADO

NAGCARLAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with