^

True Confessions

Ganti(65)

- Ronnie M. Halos -

HINDI napansin ni Lorena at ng tatlong tumakas na tindera ang tungkol sa sunog na nangyayari sa isang lugar sa Binondo. Ang drayber na si Nanding ang nakapansin.

“Mam Lorena, di ba doon tayo galing sa lugar na iyon. Nasusunog daw sabi sa radio.”

“Ano? Pakilakas mo nga Nanding.”

Inilakas ang volume. Narinig nina Lo­rena at ng tatlong tindera ang balita ukol sa sunog. Isang apartment na ang ibaba ay tindahan ang kasalukuyang nasusunog at kumalat na ang apoy. Sinabi ang numero ng apartment.

“Diyos ko, yan po ang tindahan na aming amo,” sabi ni Lyra.

“Huwag kayong ma­ingay. May ibinabalita pa…” sabi ni Lorena.

Pinakinggan pa nila. Ayon sa report, mabilis na kumalat ang apoy dahil ang apartment ay luma at yari sa light materials. Inaalam pa kung may namatay sa sunog dahil ang itaas o second floor ang ginagawang tirahan. Umano’y sa bodega ng fish balls nagsimula ang sunog. Hindi pa malaman ang dahilan ng sunog pero hinihinalang faulty electrical wiring. Doon natapos ang pagrereport. Abangan na lamang daw uli ang update sa sunog.

“Yan nga po Mam Lorena ang tindahan na aming pinanggalingan. Sa bodega pa raw po nagsimula. Diyos ko baka nasunog si Encar…”

Hilakbot si Lorena. Gumapang ang kilabot sa katawan. Iyon nga kaya ang tindahan? Pero malakas na rin ang kutob niya na ang apartment nga na iyon ang nasunog.

“Abangan na lang natin ang report. Baka naman hindi…”

“Kasi po’y takaw-sunog na talaga ang apartment na iyon. Kaunti pong mahagisan ng upos ng sigarilyo ay sisiklab. Kakaawa naman po si Encar. Kung bakit kasi hindi pa sumama sa amin. Hindi ko maintindihan ang babaing iyon.”

Iba naman ang nasa isip ni Lorena. Kung ka­samang nasunog ang mga may-ari ng tindahan na dati rin niyang amo, iyon siguro ang tinatawag na karma. Siningil na sila sa mga kasalanang nagawa sa kapwa.

Pagkaraan ng 15 minuto ay may follow-up na ang report ukol sa sunog sa Binondo.

Sinasabing unti-unti nang naaapula ang sunog sa Binondo. Hindi pa rin naman malaman kung may namatay. Tupok na tupok umano ang apartment at ang tanging makikita ay ang mga haliging umuusok pa. Nagdadatingan pa raw ang mga bumbero kaya maaaring hindi na kakalat pa ang apoy. Antabayanan lang daw ang sunod na update.

“Diyos ko po, baka nga kasamang nasu-   nog si Encar!” sabi ni Lyra.

Napakagat labi si Lorena. Si Kelly at Angela ay napahikbi. Hindi nila inaasahan ang pangyayari.

(Itutuloy)

vuukle comment

ABANGAN

BINONDO

DIYOS

ENCAR

LORENA

MAM LORENA

SUNOG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with