Ganti (61)
“Ako po! Ako po si Lyra! Sino ka po?”
“Ako si Lorena.”
“Mam!” Tumakbo si Lyra patungo sa kanya at yumakap. Umiyak na.
“Ayaw po kaming palabasin dito! Para raw hindi makatakas. Para po ka-ming binuro dito sa loob ng bodega.”
“Hindi ba kayo nasusulasok sa amoy?”
“Nasanay na po ang sikmura namin, Mam.”
“Sige, iplano natin ang pagtakas n’yo rito.”
“Mam sana ngayon na. Gusto na naming makala-ya rito.”
“Hindi puwede ngayon. Maghihinala ang among Intsik. Nagpaalam lang akong gagamit ng CR.”
“Mam meron pong pinto sa tagiliran ang bodegang ito. Puwede pong magdaan doon.”
“Sige babalikan ko kayo bukas.”
“Mam mamayang gabi na lang po. Kung bukas mo pa kami babalikan, baka patay na kami.”
“Bakit?”
“Basta po Mam. Bawat bagsak po ng oras ay mayroon kaming kinatatakutan.”
Nagtaka si Lorena.
“Dahil po sa paglayas nina Lea, Ara at Pau, kami ang pinahihirapan. Ako po marami nang pasa ng palo sa likod at hita. Maski si Kelly, Angela at Encar ay ganundin. Si Encar po ay sinampal kanina ng amo naming babae dahil nagkamali ng price tag.”
Naunawaan ni Lorena.
“Lahat ba gustong su-mama?”
“Opo.”
“Paano tayo magkikita mamayang gabi?” “Lalabas po kami sa gilid nitong bodega at doon sa kanto tayo magkita. Mga alas-onse po ng gabi. Yung amo naming babae e alas-diyes natutulog.”
“Paano ko malalaman kung nakalabas na kayo?”
“Sisipol po ako, Mam. Marunong po akong sumipol na parang huni ng ibon.”
“Sige. Mag-ingat kayo. Huwag na kayong magdala ng damit. Solong katawan lang para mas mabils ang kilos.”
“Sige po Mam. Ikaw na lang ang pag-asa namin.”
Ayos ang plano. Nagtungo sa CR si Lorena at nagkunwarin umihi. Nang matapos ay lumabas na. Nakahanda na ang order niya. Binayaran niya ng cash. Nakatingin sa kanya ang babaing amo. Para bang kinikilala siya. Nadako ang tingin nito sa pangit na pek-lat na nasa likod ng palad.
(Itutuloy)
- Latest
- Trending