^

True Confessions

Ganti (60)

- Ronnie M. Halos -

HABANG inihahanda ang order ni Lorena, sumimple siyang lumapit sa isang tindera na ibinubuhos ang mga fishball sa malaking lalagyan na di-kalayuan sa kahang kinaroroonan ng among babae. Kunwari ay inuusyuso niya ang mga fishball.

Habang nag-uusyuso, pasimpleng natanong ang tindera na nagsasalin.

“Ikaw ba si Lyra?”

Napatingin ang tindera sa kanya.

“Hindi po.”

“Nasaan si Lyra?”

“Nasa loob po ng bodega at naglalagay ng        price tag sa mga pakete.”

“Hindi siya lalabas?”

“Ba­wal po.”

“Ikaw bakit ka nasa labas?”

“Bago pa po lamang ako. Kaha-hire ko lamang. Yun pong mga kasama kong bago ang narito sa labas at yung mga dati na gaya nina Ate Lyra ang nasa loob.”

“Ilan sila sa loob?”

“Apat po.”

Napansin ni Lorena na papalapit ang among babae. Tapos na yatang ihanda ang order niya. Lumayo siya sa tindera at kunwari ay mayroon pang oorderin.

Ininspeksiyon niya ang mga nakabalot na calama- res. Nang matantiya na ma­la­pit na sa kanya ang among babae ay nagsalita siya.

“Oorder din ako nito. Mga 20 kilos. Idagdag sa order ko.”

“Okey po. Maghintay lang kayo rito at ipahahanda ko. Baka gusto n’yo rin ng tufu. Bagumbago ang tufu namin. First class.”

“Sa sunod na punta ko na lang dito. A, siyanga pala puwede ba makagamit ng comfort room,” sabi ni Lorena.

“Aba opo. Halikayo rito sa may bodega.”

Sumunod si Lorena sa Intsik. Sabi kanina ng nakausap na tindera, nasa bodega raw ang apat na datihang tindera.

Hindi maganda ang amoy ng bodega. Pantay-tao ang nakapatas na mga sako ng fishball. Parang babaliktad ang sikmura ni Lorena.

“Ayun po ang CR,” sabi ng among babae.

“Salamat. Biglang su­mama ang tiyan ko.”

Pagkaraan ay umalis ang amo. Bumalik sa tindahan.

Hindi naman sa CR nag­tuloy si Lorena kundi hinanap ang apat na tindera. Dumako pa sa loob. Wala. Talagang hindi niya kaya ang amoy. Ganito ang tinitiis na amoy ng mga ka­wawang tindera.

Nakarinig ng usapan si Lorena. Hanggang sa makita niya ang apat na tindera habang nagdidikit ng mga price tag.

“Lyra! Sino si Lyra?” tanong niya. (Itutuloy)

APAT

ATE LYRA

AYUN

IKAW

LORENA

TINDERA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with