^

True Confessions

Ganti(54)

- Ronnie M. Halos -

BUNTIS nga si Pau. Iyon ang lumabas sa check-up. Sinamahan ni Lorena si Pau sa isang doctor.

Umiyak si Pau nang ma­laman ang resulta. Habag na habag sa sarili.

“Huwag kang umiyak. Hindi mo naman kagustuhan ‘yan. Naging biktima ka ng hayok na Intsik.”

“Ang inaalala ko po ay aking ama at ina. Paano ko po sasabihin sa kanila ang nangyari sa akin?”

“Ako ang magsasabi sa kanila. Mauunawaan ka nila, Pau.”

“Salamat po Mam. Ikaw na lang ang tanging pag-asa ko.”

“Basta mula ngayon na narito ka na sa piling ko, huwag nang mag-iisip nang negatibo. Magtutulungan tayo rito.”

“Napakabait mo Mam Lorena. Meron pa palang taong katulad mo.”

“Dahil ako ay naging biktima rin, Pau. Pero saka ko na lang ikukuwento ang lahat. Siguro kapag natapos na ang misyon ko na makuha    pa ang mga kasamahan mo sa impiyernong tindahan.”

“Magsasama-sama po kami rito, Mam.”

“Oo. Kung makapagtitiis sila rito sa akin, tatanggapin ko. Kung hindi naman, malaya silang magpapasya.”

“A basta ako Mam, dito ako sa’yo. Mas safe ako rito sa piling mo.”

Narinig pala nina Ara at Lea ang pinag-uusapan nila.

“Oy ako man ay dito na rin kay Mam. Kahit walang suweldo ay okey sa akin,” sabi ni Lea.

“Ako rin ano? Mas may kinabukasan tayo rito sa bahay ni Mam. Isinusumpa ko ang dati nating amo,” sabi ni Ara.

“Sa palagay n’yo ba, gusto rin ng iba n’yo pang kasamahan na makalayas doon?”

“Oo, Mam. Halos lahat, gustong makaalis doon. Takot nga lang po ang na-ngingibabaw sa kanila.               Kasi pare-parehong ni-recruit sa probinsiya. Takutin lang e nanginginig na sa takot,” sabi ni Lea.

Naalala naman ni Lorena ang nakaraan niya. Ganundin siya. Galing din siya sa probinsiya nang mapasok na alila sa bahay ng Intsik. Takot din siya. Hindi pa maru-nong lumaban noon. Para siyang ulilang sisiw noon. Kaya nang daklutin siya ng hayok na lawin ay hindi siya makapanlaban. Ni hindi makapiglas nang dagitin ng hayok na lawin at papakin ang sariwa niyang laman. At sa dakong huli siya pa ang binaliktad. Siya raw ang nag-alok ng sarili sa hayok na lalaki. Siya pa ang halos patayin ng babaing amo.

Sa pagkakataong iyon ay muli na namang nabuhay ang galit sa mag-asawang umagrabyado sa kanya.

“Kukunin ko rin ang mga kasama n’yo. Itatakas ko rin sila katulad n’yo.”

Nag­­­palakpakan ang tatlong babae na kanyang nai-ligtas. Magsasama-sama sila sa pugad ni Lorena.

(Itutuloy)

vuukle comment

AKO

INTSIK

LORENA

MAGSASAMA

MAM

MAM LORENA

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with