^

True Confessions

Ganti (42)

- Ronnie M. Halos -

“Paanong nahuli si Pau?” Nanlulumong tanong ni Lorena nang nasa loob na ng van si Lea. Patuloy ito sa pag-iyak. Sinenyasan ni Lorena ang drayber na umalis na. Umarangkada ang van.

‘‘Paano nahuli si Pau, Lea?’’ 

Pinahid ni Lea ng kan­yang daliri ang luha sa pisngi.

‘‘Palabas na po kami sa kuwarto. Ako ang nasa una. Sabi ko kay Pau bilisan niya ang kilos at baka maramdaman ng amo namin ang balak. Bitbit po ni Pau ang bag niya. Nang makalabas na kami ng kuwarto, biglang bumukas ang kuwarto ng aming among lalaki. Malapit lang po ang kuwarto ng amo namin. Sumigaw ang ang aming amo. Saan daw kami pupunta. Nagtatakbo na po ako. Nang lingunin ko si Pau, hawak na siya ng amo namin. Nagpipiglas po si Pau. Nakita ko hinatak siya papasok ng kuwarto…” tumigil sa pagsasalita si Lea at muling umiyak.

“Ano pang nangyari?” Tanong ni Lorena.

‘‘Naulinigan ko po na sumisigaw si Pau. Nagpapatulong po siya. Pero wala naman akong magawa. Baka kung bumalik ako at tulu-ngan siya ay baka kung ano ang gawin sa akin. Galit na galit po ang amo namin…’’

Tumigil muli at suminghot. Maya-maya ay nagpatuloy.

“Nakokonsensiya ako Mam Lory. Sana tinulungan ko siya. Sana bumalik ako. Sana hindi ko iniwan si Pau…”

Naunawaan ni Lorena si Pau. Kanina nang makita niyang tumatakbo si Lea patungo sa van na sinasakyan nila, may kutob na may nangyari kay Pau. At nang ikuwento ni Lea ang pang­yayari, naisip niya na ano kaya at isumbong niya sa mga pulis o sa barangay ang nangyari. Pero ano ang kahihinatnan sakali at gawin niya iyon. Siya man ay naging biktima ng hayup na among lalaki at asawa nito. Naawa sa kanya ang mag-asawang Erning at Delia. Pinahuli ni Tatay Erning at Nanay Delia ang among babae dahil binugbog siya. Pero walang nangyari sa kaso. Nakalabas sa kulungan ang among babae dahil tinapalan ng pera ang mga pulis. Ipinagpasa-diyos na lamang niya ang lahat. Iyon lamang ang tangi niyang magagawa sa masakit na pangyayari sa kanyang buhay.

Ngayon ay ang buhay naman nina Lea at Pau ang pinuproblema niya. Gusto niyang alisin sa impiyernong kinalalagyan ang dalawa pero nabigo siya kay Pau. Habang tumatakbo ang van ay naglalaro sa isip ni Lorena kung ano ang ginagawa ng among lalaki kay Pau. Baka mas masahol pa sa natanggap niyang kalupitan noon. (Itutuloy)

vuukle comment

LEA

LORENA

MAM LORY

NANAY DELIA

NANG

NIYA

PAU

PERO

SANA

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with