^

True Confessions

Ganti (25)

- Ronnie M. Halos -

“ANONG iniisip mo ‘Ma?” Tanong ni Edel na ikinagulat ni Lorena. Lumipad kasi ang isip niya. Matayog na matayog.

“Wala naman anak,” sagot niya.

“Akala ko nag-iisip ka nang maaari pa na­ting idagdag na produkto sakali at lumawak pa nang lumawak pa ang negosyo natin.”

“Kung magdadagdag tayo ng product, gusto ko ham. Yung katulad ng ham na nabibili sa Quiapo. Palagay ko papatok dito sa atin lalo kapag Pasko at Bagong Taon.”

“Puwede naman ‘Ma.”

“Pero hindi ko alam gumawa ng ham. Yung skinless longganisa nga e galing ang resipe kay Lolo at Lola mo.”

“Puwede ka namang mag-aral sa paggawa ng ham. Nabasa ko sa diyaryo may mga free seminar para sa mga nagbabalak magnegosyo. At hindi lang ham ang maaaring pag-aralan, marami pa.’’

Humanga na naman si Lorena sa anak. Hindi niya alam iyon. Siguro nga ang isang matalinong katulad ng kanyang anak ay madaling makita ang mangyayari sa hinaharap. Advance ang isip.

Ginawa ni Lorena ang payo ni Edel. Natuto siya sa paggawa ng ham at hotdog. Ganun lang pala yun. Nadagdagan ang kanilang produkto. Nagustuhan ng mga customer. Nadagdagan ang income nina Lorena.

Nang mag-aral sa Maynila si Edel ay nakadama ng pagod si Lorena. Kailangan kasi niyang puntahan ang anak sa tinutuluyan nitong boarding house dalawang beses isang buwan para dalhan ng mga kailangan nito.

Pero nang mahalata ni Edel na napapagod si Lorena, sinabi na minsan isang buwan na lang lumuwas ang ina. Kung ang allowance na pera ang pinuproblema, maaari namang ipadala ang pera sa banko.

‘‘O di sige mag-iingat ka lang anak. Tumawag o magtext ka na lang kung meron kang kailangan.”

“Oo ‘Ma. Huwag kang mag-worry sa akin. Kaya kong mag-isa at panga­lagaan ang sarili”

Pinahanga na naman siya ni Edel.

Minsang lumuwas siya ng Maynila, ang sinakyan niyang arkiladong FX van mula Nagcarlan ay may inihatid sa Binondo. Hindi malilimutan ni Lorena ang lugar na pinuntahan. Doon sa lugar na minaltrato siya nang labis. Hindi niya maaaring malimutan ang tinirahang bahay. Nagbabangon ang galit sa kanyang dibdib.

(Itutuloy)

vuukle comment

BAGONG TAON

EDEL

LORENA

MAYNILA

NADAGDAGAN

PERO

PUWEDE

YUNG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with