^

True Confessions

Ganti (7)

- Ronnie M. Halos -

NAKABABA ang mama niya. Mga ilang hakbang na lang at kalsada na. Pag nasa kalsada na siya, sisigaw na siya para may tumulong. Nagkaroon na siya ng bahagyang pag-asa. Malapit na malapit na.

Pero nakita raw siya ng among babae na noon ay nasa tindahan. Nagmamadali raw itong lumabas sa tindahan at sinugod siya.

Pinagsasampal siya. Pagkatapos ay hinila pa-balik sa hagdan. Ang balak ay ibabalik sa second floor. Pero sa pagkakataong iyon ay lumaban na ang kanyang mama. Kahit na masakit ang katawan at nanghihina ay nagawang hawakan ang mahabang buhok ng amo at sinabununtan ito. Ubos lakas. Kailangan daw na lumaban siya para hindi na maibalik sa kulungan. Hanggang sa mabuwal silang pareho. Hindi niya binibitiwan ang bu-hok ng amo. Gumulong sila sa kalsada. Daanan ng mga tao. Lahat ay namangha. Maraming napatanga dahil sa pagpapambuno nila.

Nakawala ang among babae sa pagkakasabunot niya at nakubabawan siya kaya napagkalmot siya sa mukha at leeg. Pinagsasampal. Sinuntok.

Iyon ang hinihintay ng kan­yang mama, nagsisigaw na siya humihingi ng tulong sa mga nagdaraan.

“Tulungan n’yo ako papatayin ako! Maawa na kayo sa akin!”

Pero walang ayaw makialam. Takot manghimasok. Walang gustong umawat.

Dahil malaki ang among babae, hindi siya makakilos sa pagkakakubabaw nito. Pinagsasampal pa siya at sinuntok sa mukha. Nagdu­go na ang kanyang ilong at umagos sa kanyang bibig. Nalasahan niya ang maalat-alat na dugo. Lupaypay na siya. Parang gulay na sa dami ng mga sampal at suntok.

Hanggang umalis ang amo sa pagkakakubabaw at siya naman ang sinabunu­tan. Hinila para siya makatayo. Masakit ang pagsabunot at sunud-sunuran siyang nakatayo.

“Halika, hayup ka!” sabi ng amo.

Hinihila siya pabalik sa bahay. Pero lumalaban siya kahit paano. Hanggang sa makakawala siya sa pagkakasabunot. Sinamantala niya. Tumakbo siya. Pero hinabol siya ng amo. Sampal at tadyak ang ibinigay sa kanya. Lupaypay na siya. Tila bibigay na ang katawan niya dahil sa matinding pahirap.

Hanggang sa mayroon na raw makialam. Isang mag-asawa na nagdadaan. Inawat ang Intsik sa pambubugbog. Nailigtas siya. Ipinapulis ng mag-asawa ang demonyong amo. Dinala naman siya sa ospital.

(Itutuloy)

vuukle comment

AMO

DAANAN

DAHIL

DINALA

GUMULONG

HANGGANG

LUPAYPAY

PERO

PINAGSASAMPAL

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with