May hiyas pa sa liblib(115)

 “UNA kitang nakita sa sapa na parang batang naliligo. Wala kang pakialam noon habang lumalangoy. Gulat na gulat nga ako sapagkat inakala ko na isa kang diwata…” sabi ni Fred kay Ganda. Halos pabulong lang ang pagkakasabi niya dahil baka may makarinig.

“Sabi ko na nga ba at talagang sinadya mo akong silipan.”

“Yung una nagkataon lang talaga na patungo ako sa sapa at nakita nga kita. Yung mga sumunod tala-gang inabangan na kita.”

“Ang akala pa naman ni Lola ay napakabait mong tao.”

“Mabait naman tala­ga ako. Kung hindi ako ma­bait e di sana ay may nangyari na.”

“Matagal mo rin akong sinilipan ano?” “Mga limang beses siguro.”

“Wala akong kamalay-malay na may tao palang nagpipista sa katawan ko.”

“Kung bakit naman kasi ang tapang mong maghu-bu’t hubad sa sapa e. Di mo man lang naisip na baka may taong magdaan doon.”

“Kasi ang alam ko wala pang mga tao sa katabing lupa. Sabi kasi ni Lola, imposible raw mabili ang lupa dahil liblib nga.”

“Hindi n’yo alam na ako ang nakabili ng lupa.”

“Wala kaming alam.”

“Pero alam mo bang min­san ay nakarating ako sa inyong kubo na hindi n’yo nalalalaman? Talagang hindi na ako makatiis. Gusto na talaga kitang makilala. Baliw na baliw na ako sa’yo. Ipinasya kong dalawin kita. Kaso nang dumating ako sa inyo, walang tao. Nasa bakuran na ako nang bigla kayong dumating. Nataranta ako kaya nagtatakbo ako sa silong.”

“At nagkataon naman na magbibihis ako, ganun ba?”

“Oo. Nakita kong nagpapalit ka ng damit at panty. Nakatingala ako. Kaya kitang-kita ko ang mga itinatago mo. Wala ka nang maitatago…baka ako pa lang ang unang nakakita.”

Kumilos si Ganda at kinurot sa braso si Fred. Nanggigigil. Hindi akalain na hanggang sa silong ng kubo ay nakarating si Fred at masisilayan ang “hiyas”.

“Ang pilyo mo!”

“Sorry Ganda. Kasi naman ay talagang hindi puwedeng isnabin ang mga tinatago mo. Ako naman ay certified na “barako” kaya nang makita ko ang “hiyas” ay hindi na ako nakatiis pa kaya gumawa ako ng paraan. Kinaibigan ko si Lola. At hanggang sa makapasok na ako sa kubo n’yo. Kinapalan ko na ang mukha ko. Gusto talaga kita. Wala nang atrasan sa’yo Ganda…”

Nakatingin si Ganda kay Fred. Wala naman siyang madamang inis o galit kay Fred.

Hanggang mapansin ni Fred na malapit na sila sa Calapan Port.

Ilang minuto pa at bu-maba na sila sa SuperCat. Sumalin sila sa isang van. Nasa likuran sila. Magkatabi. Nagkikiskisan ang mga braso. Nagdadait ang mga hita.

“Fred, mahal mo ba talaga ako?” tanong ni Ganda nang tumatakbo na ang van sa highway.

“Mahal na mahal. Ikaw mahal mo ako?”

“Mahal na mahal,” sagot ni Ganda. Kinuha ni Ganda ang palad ni Fred at saka pinisil.

(Itutuloy)

Show comments