^

True Confessions

May hiyas pa sa liblib (104)

- Ronnie M. Halos -

NAKATAYO ang buhok sa batok ni Mulong habang pinagmamasdan ang babaing nakatayo sa may harapan ng palengke. Mas nauuna ang kanyang Kuya Fred na ayon dito, ang babaing iyon ay si Ganda. Puting blusa ang suot ng babae. Hindi kaya “multo” o “kaluluwa’’ ito ni Ganda?

Hindi makabuntot si Mulong kay Fred dahil bukod sa pagtayo ng buhok sa batok, parang may pabigat ang kanyang mga paa. Hindi siya makahakbang. Kung totoong si Ganda ang babae na ngayon ay nasa harapan ng kanyang Kuya Fred, isang malaking himala ang nangyari kaya ito nakaligtas. Maniniwala na siya na ang labis na pagtitiwala at pag-asa ng kanyang Kuya Fred ay nagkaroon ng katuparan.

“Halika, Mulond dali!?” sigaw ni Fred.

Nagmamadaling lumapit si Mulong. Mabigat pa rin ang mga paa niya. May nakatindig pa ring buhok sa batok niya.

‘‘Para kang nakakita ng multo, Mulong,” sabi ni Fred.

“Siya ba si Ganda Kuya?’’

‘‘Oo, siya nga si Ganda.’’

‘‘Kumusta Ate,’’ bati ni Mulong at inilahad niya ang kamay. Inabot naman ni Ganda ang palad ni Mulong. Malamig ang palad ni Ganda. Halatang masipag dahil makapal ang mga palad. Sanay sa gawain. Nadama niya ang palad ni Ganda at ibig sabihin, hindi multo o kaluluwa si Ganda. Siya na nga ang babaing matagal nang hinahanap ni Kuya Fred niya.

‘‘Akala ko mamamatay na ako, Mulong. Ikalawang buhay ko ito,’’ sabi ni Ganda na malamig ang boses.

‘‘Paano ka nakaligtas, Ate?’’

‘‘Mahabang kuwento. May kakaibang nangyari sa akin, Mulong. Baka hindi kayo maniwala ni Mang Fred.’’

Napansin ni Mulong na may mga gasgas sa braso si Ganda. Sa may leeg ay may paso.

“Mabuti ay mauuna na kami sa bahay, Mulong. Ikaw na lamang ang bumili ng ating mga kakailanganin. Kailangang makapagpahinga si Ganda. Masyadong hirap ang dinanas niya.”

“Sige Kuya, ako na ang bahala. E kung gusto mo, bibili na rin ako ng mga iluluto natin para may makain si Ate. Ako ang magluluto Kuya para matikman ni Ate ang luto ko.”

Sa sinabi ni Mulong ay napangiti si Ganda. Nakita niya sa kauna-unahang pagkakataon ang maputi at panta-pantay na ngipin nito. Napatunayan ni Mulong na isang ‘‘hiyas’’ nga si Ganda. Tama si Kuya Fred niya.

Nang umalis ang da-lawa, sinundan ni Mulong ng tingin hanggang ma-karating sa may hintayan ng sasakyan. Inaalalayan ng Kuya Fred niya ang tila nanghihinang si Ganda. Hanggang sa isang taksi ang tumigil sa harapan ng dalawa.

(Itutuloy)

FRED

GANDA

GANDA KUYA

KUMUSTA ATE

KUYA

KUYA FRED

LSQUO

MULONG

NIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with