^

True Confessions

May hiyas pa sa liblib (34)

- Ronnie M. Halos -

MATAAS ang talaksan ng mga tuyong madre cacao sa silong. Halos umabot sa sahig na kawayan ng kubo. Doon nagtago si Fred para hindi makita ng maglola. Nakasilip si Fred sa pagitan ng mga nakasalansang kahoy. May sunong na bilao ang matanda samantalang basket ang bitbit ni Ganda.

Narinig niya ang pag-uusap ng maglola.

“Naubos ang tinda kong maliliit na puto, Lola,” sabi ni Ganda.

“Paanong hindi mauubos e maganda ang nagtitinda.’’

‘‘Masarap naman kasi ang puto mo Lola. Yung isang nirasyunan ko, sabi e magdala uli ako bukas dahil ihahanda sa birthday ng anak niya. Mga 100 piraso raw ang kaila-ngan niya. Binayaran na nga sa akin.”

“Aba kailangan pala ay maaga tayong gumising mamayang madaling araw.”

“Kayang-kaya naman natin Lola.”

“Kung sana e buhay pa si Lolo mo, hindi tayo mahi­hirapan sa paggi-ling ng bigas.”

“Kaya kong gumiling ng bigas kahit gaano karami, Lola.”

“Mahirap din ang maggiling. Sana, yung tatay mo e kasama natin dito para hindi ka nasasabak sa trabaho.”

“Huwag n’yo nang intindihin si tatay, Lola.”

Nagdaan sa harapan ni Fred ang mag­lola. Hindi siya napansin dahil madilim sa silong. Umakyat sa hagdan ang maglola. Lumangitngit. Si Fred ay hindi gumagalaw. Pinipigil ang paghinga. Maghihintay siya ng tamang pagkakataon para makalabas sa silong. Kung maari, hi­hintayin niyang gumabi bago lumabas sa silong. Malaking eskandalo ang lilikhain niya kapag nakita siya nina Ganda. Aakalain na magnanakaw siya. Mabuti na lamang at walang alagang aso ang maglola. Mabuti rin at maglola lang sila. Namatay na pala ang lolo. May tatay si Ganda pero hindi nila kasama rito.

Nang makapanhik ay patuloy na nag-uusap ang maglola. Nari­rinig ni Fred ang pag-uusap sapagkat ang sahig na kawayan ay awang-awang. Nakikita niya kung ano ang ginagawa ng maglola dahil sa maliliit na awang ng sahig.

“Magsasaing na ako Lola.”

“Sige Ganda. Meron pa ba tayong ulam apo ko?’’

‘‘Meron pa Lola. Yung natira nating tinola kanina ay puwede pang ipainit.”

“Magpalit ka muna ng damit, Ganda. Baka marumihan ang maong at t-shirt mo.”

“Sige Lola.”

Nakita ni Fred ang pagpasok ni Ganda sa gawing loob ng kubo. Nasundan niya ng tingin.

Akalain ba niyang sa mismong tapat niya magpapalit ng damit si Ganda? Sinusuwerte yata siya

(Itutuloy)

GANDA

LOLA

MAGLOLA

MERON

NIYA

SI FRED

SIGE GANDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with