^

True Confessions

May hiyas pa sa liblib (11)

- Ronnie M. Halos -

“PAYAT si Precy nang umu­wi. Nanlalalim ang mga mata, walang sigla, malayung-malayo sa itsura bago siya sumama sa hinayupak na siyota niya. E siyempre kami naman ni Bino nang makita siyang ganoon e nabagbag ang kalooban... ’’

Tumigil si Ricky sa pagkukuwento at napatitig kay Fred. Si Fred naman ay nakatingin din lang kay Ricky. Naghihintay lamang si Fred. Ayaw man niyang marinig ang mga susunod pa ay wala na siyang nagawa. Basta’t ang alam ni Fred, nadaya siya ni Precy. Hindi ito naging matapat sa kanya sa panahong nagsusulatan sila. Wala itong binanggit sa kanya ukol sa mga nakatago sa buhay. Unfair si Precy. Gusto rin namang sisihin ni Fred si Junior na kasamahan niya sa trabaho sa Riyadh. Ito kasi ang nag-utos sa kanya na sulatan si Precy. Ipinagmalaki pa ni Fred na birhen na birhen daw si Precy. Gusto niyang upakan si Junior.

Idinaan na lang ni Fred ang lahat sa pag-inom. Lulunurin na lang niya. Ipinagbukas    niya ng beer si Ricky.

“Sige inom na lang tayo, Bayaw. Nandiyan na ‘yan…” sabi ni Fred.

‘‘Natatandaan mo ba Ba-yaw noong gabing dumalaw ka sa bahay noong bago kayo ikasal sa huwes?’’

Natatandaan ni Fred iyon. Tinawag ni Ricky si Precy at kinausap nang masinsinan sa kuwarto. Natatandaan niya nang bumalik si Precy ay nakasimangot. Sinabi ni Precy kay Fred na nagsasawa na raw siya sa bahay nila. Gusto nang umalis si Precy.

“Pinagsabihan ko siya noon, Bayaw. Sabi ko sa kanya ipag­tapat ang lahat sa’yo para walang problema pagdating ng araw. E umiral na naman ang katigasan ng ulo. Wag daw siyang pakialaman...meron na raw siyang sariling pag-iisip. Siya na raw ang ba­hala sa sarili niya.”

Nagpatuloy pa si Ricky.

“Hanggang sa nalaman ko na nga na balak n’yo na pa­lang magpakasal sa huwes. Sa isip ko, baka naman nalaman mo na ang lahat at okey naman sa’yo kahit na me nang­yari kay Precy...”

“Wala siyang sinasabi sa akin, Bayaw,’’ sabi ni Fred.

Napailing-iling si Ricky.

“E halimbawa, Bayaw at nagtapat sa’yo si Precy bago kayo ikasal, anong gagawin mo?’’

“Mahal ko pa rin siya. Walang mababago.”

“E ngayon na nalaman mo na meron palang madilim na part si Precy anong nararamdaman mo sa kanya?”

Hindi naman agad nakasagot si Fred. Hindi niya alam kung ano ang isasagot.

(Itutuloy)

vuukle comment

BAYAW

FRED

NATATANDAAN

NIYA

PRECY

RICKY

SI FRED

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with