Ang kapitbahay kong si Jesusa (86)
NAGTAKA si Jesusa nang bigla akong tumayo at inalis ang ginawa kong painting niya sa dingding. Ini-lipat ko sa kuwarto ang painting.
“Ba’t mo inalis, Per?” tanong niya.
“Kung hindi kasi nakita ni Mr. Diegs ang painting na ‘yun, hindi siya magkakaideya. Yun ang dahilan kaya mahigpit ang pagkum-binsi niya sa akin na ikober ka sa MATIKAS magasin.”
“Napansin ko nang pagpasok niya rito sa salas, sa painting na ka-agad siya nakatingin. Hangang-hanga siya. Hindi ko lang alam kung hanga siya sa nagpaint o sa ipininta…”
“Palagay ko sa ipi-ninta dahil nakapagkit ang tingin sa iyo. Gan-dang-ganda sa’yo.”
“Mahilig ba sa tsik yun?”
“Sabi ni Frankie may ibinabahay na model. Si Frankie kasi ang laging kasama ni Mr. Diegs kapag naghahanap nang model para sa kober. Ako e kailan lang nakasama kay Frankie dahil hina-luan ng illustration ang kober. Ang tipo ni Bossing ay yung medyo ma-rusing…”
Napahagikgik si Je-susa.
“Anong marusing?”
“Yung ang ganda ba ay parang sa katutubo o probinsiyana. Ayaw niya sa maputi at makikinis. Yung isang naging cover girl namin nun, talagang walang itsura at hindi makinis pero seksi. Bata pa. Inaalagaan daw yun ni Mrs. Diegs at binalik-balikan sa probinsiya. Nang makatapos ng high school, isinalang na. Yung model na yun daw ang kinakasama nga-yon.”
“Bakit kaya niya ako nagustuhang maging cover ng magazine e maputi ako at hindi marusing?”
“Yun nga ang pinag-tataka ko. Baka nagbago ng panlasa nang makita ka, Jesusa. Kaya tala-gang hindi ako papayag sa balak niya. Magre-resign na lang ako.”
“Makipag-usap ka nang masinsinan, Per. Gusto mo samahan kita sa opis nyo?”
Lalo akong nalito. Baka lalo lamang madag-dagan ang pagnanais ni Mr. Diegs na maikober si Jesusa kapag isinama ko.
“Huwag na,” pasya ko. “Ako na lang ang makikipag-usap. Kung patuloy niya akong pipilitin para maikober ka, magre-resign na lang ako.”
Nang umagang iyon ay nagtungo na ako sa aming opisina. Buo na ang pasya ko tungkol sa hinihiling ni Bossing.
(Itutuloy)
- Latest
- Trending