^

True Confessions

Ang kapitbahay kong si Jesusa (60)

-

“BA’T naman kita iiwan? Mas kailangan mo ang tulong ngayon na patay na ang inay mo,” sabi ko at tumabi na kay Jesusa sa pagkakaupo sa sopa.

“Wala naman kasing maitutulong ang mga kapatid ko. Sa akin din ang asa.”

“Siyempre ikaw ang panganay kaya ikaw ang inaasahan.”

Hindi na umiyak si Jesusa pero nanatiling nakatingin sa kawalan. Parang hindi pa rin makapaniwala na patay na ang ina.

“Anong gusto mo, umuwi na ngayon din o bukas ng madaling araw?”

Napatinging bigla sa akin si Jesusa.

“Gusto ko sana, ngayon ding gabi Per. Kasi hindi ma­kapagpasya ang aking mga kapatid sa gagawin. Nasa punerarya na raw si Inay pero hindi makapili ng kabaong dahil wala silang pera. Ako ang inaasahan…”

“O e di umuwi na tayo nga-yon din. Maaga pa naman.”

“Sasamahan mo ako?”

“Oo. Bakit, akala mo hindi?”

Tumango. Pinahid ng palad ang natirang luha sa may pisngi.

“Sasamahan kita kahit saan.”

“Per, problema ko ang gagastusin. Walang-wala na talaga ako. Ang bahay ko na lang at lupa ang ari-arian ko na maaaring iprenda.”

“Huwag kang mag-alala. Akong bahala,” matapang kong sabi. Malakas ang loob ko dahil marami akong ipon. Yung perang ibinigay sa akin ni Mr. Diegs ay intact pa. Lahat nang pera ko ay nasa ATM. Kung kakapusin, madali akong makakautang kay Mr. Diegs.

Napayakap sa akin si Je­susa. Isiniksik ang mukha   sa dibdib ko. Tahimik na umi­yak. Naramdaman ko ang pagtulo ng luha niya. Tumagos sa damit ko at nadama ng balat ko.

“Sige na, bihis ka na. Ito na lang ang isusuot ko.”

Tumayo si Jesusa at nagtungo sa kuwarto.

Nang lumabas ay naka­bihis na. T-shirt at maong. Walang make-up pero ang ganda-ganda pa rin. Hindi nakabawas sa ganda ang pagdadalamhating dinaranas.

“Mga ilang oras ba ang biyahe natin?” tanong ko nang nakalabas na kami sa subdibisyon at tinutungo ang highway.

“Mga tatlong oras lang si-guro, Per. Pagkalampas lang ng San Pablo ang sa amin.”

“Ituro mo na lang, Jesusa. Hindi ako pamilyar sa San Pablo.”

“Sige.”

Nagdaan lang kami sa isang ATM booth sa isang mall sa North EDSA at pagkatapos ay sa isang convenient store. Bumili ako ng pagkain at tubig. Kailangan namin iyon sa biyahe. Hindi na bumaba si Jesusa. Kahit ano na lang daw ang bilhin ko.

Pinasibad ko sa EDSA ang sasakyan. Walang trapik kaya madali kaming naka- rating sa Alabang hang- gang taluntunin ang tila walang katapusang SLEX. Wala kaming imikan.

Nakarating sa Sto. Tomas. Nagdaan sa Alaminos, at nakita kong pumapasok na kami sa San Pablo.

Nang sulyapan ko si Je­susa ay natutulog pala. Ipinasya kong tawagin para ipaalam na San Pablo na. Baka makalampas kami.

“Jesusa, San Pablo na.”

Nagmulat.

“Malapit-lapit na Per.”

Pinasibad ko. Hanggang sa makarating kami sa sangang-daan.

“Ikanan mo Per.”

Sinunod ko. Hanggang sa makarating kami sa isang lugar na pawang niyog ang nakatanim. Tila mga higante ang niyog na nakatunghay sa amin.

Hanggang sa marating namin ang isang barangay. Halatang mahirap ang barangay.

“Doon sa bahay na iyon, Per.”

Hindi pa kami nakarara-ting sa bahay ay may mga sumasalubong na sa aming mga bata. Wari ko ay mga pamangkin ni Jesusa.

Si Jesusa ay humihikbi.

(Itutuloy)

HANGGANG

JE

JESUSA

MR. DIEGS

SAN PABLO

WALANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with