^

True Confessions

Ang kapitbahay kong si Jesusa (59)

- Ronnie M. Halos -

“ANONG problema, Per?” tanong ng photog naming si Frankie nang magpaalam ako.

“Me kaunting problema lang sa bahay.”

“Sino?”

Hindi ko masabing ang aking kapitbahay. Mabubuking ang “lihim” ko. Nag-imbento na lang ako.

“Yung pinsan kong nakatira sa akin me nangyari.”

“Ah, sige umuwi ka na.”

 “Nagpaalam na ako kay Mr. Diegs. Kapag bukas, hindi ako pumasok, me problema pa talaga.”

“Sige pero yung out-of-town natin huwag mong kalimutan.”

“Nextweek pa yun di ba?”

Tumango si Frankie.

Umalis na ako. Pinasibad ko ang kotse ko. Ano kayang nangyari kay Jesusa? Natunton kaya ni Rebo sa bahay ko? Nakapasok si Rebo sa bahay at may hawak na granada at nagbabanta na pasasabugin? Iyon ang pananakot ni Rebo nang minsang magpunta. Huwag naman sana.

Mabilis akong nakarating sa aming lugar.

Kung may nangyari na sangkot si Rebo, sana ay maraming tao sa harapan ng bahay ko. Walang katau-tao. Wala rin naman akong nakitang nakaparadang SUV ni Rebo sa tapat ng bahay. Salamat naman.

Halos lundagin ko ang    aking gate para malaman kung ano ang problema ni Jesusa.

Nakapasok ako sa loob ng bahay. At nakita kong ma­­pulang-mapula ang mga mata ni Jesusa. Halatang umiyak kanina pa.

“Anong nangyari?” tanong ko.

“Patay na ang inay ko!”

Napanganga ako. Hindi ko inaasahan. Malayo sa   mga inisip ko.

“Kailan pa, Jesusa?”

“Kaninang madaling-araw. Tinawagan ako ng kapatid ko. Hindi na umabot sa ospital. Ni hindi man lang kami nagkausap ng inay ko. Sabi ko sa kanya nang huli kaming mag-usap huwag niya akong iiwan…” sabi at humagulgol. Napasubsob sa katangan ng sopa.

Awang-awa ako sa kanya. Gusto ko ring umiyak. Nilapitan ko at tinapik sa balikat. Nakikiramay.

Matagal na wala kaming imikan. Ang paghikbi niya ang tanging maririnig. Hina-yaan ko.

Nang ayaw pa ring tumigil, ikinuha ko ng tubig.

“Uminom ka, Jesusa. Para magluwag ang dibdib mo.”

Kinuha ang baso. Uminom. Nang makainom ay sumubsob muli at nagpatuloy sa pag-iyak.

Nadama ko ang labis niyang kalungkutan sa pagkamatay ng ina. Mahal na maha niya ang ina. Lagi niyang sinasabi noon na kawawa ang kanyang ina. Lalo pang naging kawawa nang iwan ng iresponsableng ama.

Nang mahimasmasan si Jesusa ay saka may sinabi sa akin.

“Ikaw na lang ang inaa­sahan kong tutulong sa akin ngayon, Per. Huwag mo akong iiwan…”

(Itutuloy)

AKO

FRANKIE

HUWAG

JESUSA

MR. DIEGS

NANG

REBO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with