^

True Confessions

Ang kapitbahay kong si Jesusa

- Ronnie M. Halos -

“KAHIT na anong pilit ni Rebo, hindi ako bumigay. Pakiramdam ko, kapag aanuhin niya ako, ang ma­kikita ko ay ang manyakis na doctor na unang gumalaw sa akin. Minsan, pinainom ako ni Rebo ng alak, nahilo ako. Hindi ko agad natunugan ang balak niya kaya napainom ako. Sinamantala ang kala-singan ko. Nadala ako sa motel. Nahubaran ako ng damit at natira lang ang panty. Pero alam mo, nagi-sing ako nang dahan-da­han na niyang binabatak ang panty ko. Natadyakan ko sa panga. Napasadsad sa   dingding. Nakapagbihis agad ako. Pinagmumura ko siya…”

Tumigil sa pagkukuwento. Huminga nang malalim.

“Anong sabi ng minumura mo?”

“Nagmakaawa. Talaga raw hindi na siya nakapagpigil. Patawarin ko na raw.”

“Pinatawad mo?’’

“Binigyan ko ng pagkakataon. Pero talagang matindi ang pagnanasa sa akin. Inulit muli. Ako namang si mapagpatawad, bigay uli ng pagkakataon. Pero ang matinding pangyayari na kaya tuluyan na akong humiwalay sa kanya at talagang ayoko na, ay nang mabisto kong may asawa pala ang hayop. Da-lawa ang anak. Ang asawa ay nagtatrabaho sa Central Bank. Kinakabit lang pala ako ng hayop. Ang hindi ko malilimutan ay nang sugurin ako sa TV station ng asa­wa at minura. Layuan ko raw ang asawa niya. Ipapapatay daw ako. Nag-iiyak ako.

“Dahil sa pagkapahiya ay nag-file ako ng leave. Hiyang-hiya ako. Pero ipinatawag ako ng manager at sinabihang pumasok ako. Wala raw akong kasalanan. Kailangan daw ako sa show, Pumasok muli ako. Pero hindi rin ako matahimik dahil andun pa nga si Rebo. Ginugulo na nga ako. Tapos naba­litaan ko, nagsa-shabu pala. Kung anu-anong pangungulit. Tinatakot ako. Sabi ko, ayaw ko na. Tapos na sa amin ang lahat. Patahimikin na niya ako...

‘‘Nang ayaw akong tan­tanan, nagpaalam ako sa manager. Sabi ko kailangan kong mawala muna at baka kung ano ang mangyari sa akin. Pinayagan ako. Mag-leave muna raw ako.

“Hanggang sa bahay ko naman ako ginugulo. Nang magtungo nga minsan, muntik ko nang mawakwak ang tiyan. Sinaksak ko nang pandukal ng lupa.’’

Nasaksihan ko ang pangyayaring iyon dahil nasa itaas ako ng mangga.

“Ayaw ko nang makita ang Rebo na yun, Per. Itago mo na ako. Wala na akong matatakbuhan…pagod na ako. Marami pa akong     problema sa pamilya.”

Tahimik siyang umiyak.

(Itutuloy)

AKO

CENTRAL BANK

NANG

PERO

REBO

SABI

TAPOS

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with