^

True Confessions

Ang kapitbahay ni Jesusa(14)

- Ronnie M. Halos -

PINAGMASDAN kong mabuti ang tumutuktok sa gate. At hindi ako maaaring magkamali, ang kapitbahay kong babae! Bakit biglang napasugod? At tila nakasimangot ang babae.

Lumabas ako.

‘‘Bakit?” tanong ko kahit na hindi pa gaanong nakalalapit.

“Ako yung nakatira rito sa kabila.”

“Ano ang problema Mam?”

“Kasi ikaw lang naman ang may tanim na mangga rito kaya sigurado ako na sa puno mo nanggaling ang sanga na bumagsak sa mga tanim ko…”

Nag-isip ako. Paano nag­karoon ng sangang bumagsak sa bakuran niya e natatandaan ko, ibinaba ko lahat ang sanga roon.

“Excuse me Mam, baka hindi galing sa mangga ko ang sanga.”

“Ikaw nga lang ang me mangga ritong pinakamalapit. Imposible namang manggaling doon sa kabilang kanto…”

Mataray ang babae pero nagpigil ako. Kahit magpaliwanag, ako pa rin ang talo. At saka hindi nga ako nakakasiguro sa sangang bumagsak. Baka nga mayroon akong naiwan sa itaas at hindi ko naibaba dahil naging busy ako sa paninilip sa kanya. At kung ipipilit ko na hindi sa aking puno galing ang sanga, baka humaba pa ang usapan at mabisto tuloy na naninilip ako. Kung hahayaan ko na lang ang pagbibintang, patuloy akong makakaakyat sa punong mangga – tuloy ang ligaya ni Perfecto Boy.

“Sorry sige Mam at kukunin ko. Pasensiya ka na ha.”

Hindi sumagot. May katarayan talaga.

“Kukunin ko na lang Mam ang sanga, puwede?”

“Sige halika at nang makita mo rin ang damage ng sanga sa mga tanim ko.”

“I’m so sorry Mam.”

Sumunod ako sa babae. Napagmasdan ko ang mga legs at hita niya. Eto talaga ang sinasabing flawless. Hindi na kailangang hipuin pa para mapatunayang flawless. Sa tingin pa lang madadama na. Alam ko, wala siyang bra. Kung meron, nakita ko sana dahil manipis ang t-shirt. Kaya nang humarap sa akin kanina, inihaharang ang braso.

Pumasok siya sa gate. Sumunod ako. Maluwang nga ang bakuran at maraming namu-mulaklak na halaman.

“Nakikita mo yun? Di ba galing sa mangga mo yun.’’

‘‘Oo nga. Sa mangga ko nga ‘yan. Sorry. Siguro malutong na ang sanga kaya nabakli.”

Binuhat ko ang sangang kasinglaki ng braso ko. Mabigat dahil maraming dahon.

“Nakita mo ang perwisyong iyan? Ayan yang tanim kong sunflower, nasira. Ang hirap pa namang buhayin niyan…”

“Gusto mo palitan ko na lang? Kung gusto mo bibili na lang ako ng seeds.”

“Hindi na! Sa sunod pakialis na lang ang sangang nakayungyong dito sa bakuran ko. Sayang naman ang pagod ko sa mga tanim ko no!”

Matigas at mataray ang babaing ito. Pero may kaka­ibang ganda. Kapag tinititi-     gan ay lalong gumaganda.     Ano kayang pangalan?

“Sige Mam. Last na itong pagbagsak ng sanga.”

“Kung bakit kasi nagtatanim pa ng mataas na puno. Kung wala yang punong yan, hindi madidisgrasya ang tanim ko.”

“Sige Mam, pasensiya ka na uli. Hayaan mo at ipapuputol ko na ang manggang ‘yan.”

Lumakad na ako. Pero habang naglalakad, nag-iisip ako ng paraan kung paano malalaman ang pangalan. Iglap, naisip kong tapangan na ang hiya. Kung hindi niya sagutin, okey lang.

“Excuse Mam, ano nga palang name mo?”

Napalingon ang babae na noon ay inaayos na ang mga sunflower na nasira ng bumagsak na sanga. Siguro’y naisip na wala namang masama kung ibigay ang panga­lan sa akin. At isa pa nakita sigurong maginoo (kuno) ako.

“Jesusa!”

(Itutuloy)

AKO

KUNG

LANG

MAM

SANGA

SIGE MAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with