^

True Confessions

Ako ay Makasalanan (116)

- Ronnie M. Halos -

“MASAKIT ang paghihi­walay. Ganun pala kasakit ang mamatayan ng asawa lalo pa’t masyado kayong closed sa isa’t isa. Alam mo nung nakaburol siya, akala ko panaginip lang ang la­hat. Ang tagal bago humim­pil sa utak ko, na patay na nga siya. Hindi ko matang­gap-tanggap. Siguro kung nagkaanak kami baka hin-di gaanong masakit dahil me alaala siyang naiwan, kaso nga wala kaming anak…

“Pangako ko hindi na ako mag-aasawa kung hin-di rin lang ako makakakita ng tulad niya. Lumipas ang limang taon at ito ikaw ang nakita ko at kamukha mo pa si Trina ko. Hindi talaga ako makapaniwala nang maki- ta kita. Reincarnation ka ng asawa ko Tess…”

“Puwedeng makita ang picture niya, Stephen.”

“Sure,” sabi niya at di­nukot ang wallet. Kinuha ang 2 X 2 ID pic. Iniabot sa akin.

Gusto kong mapasigaw sapagkat kamukhang-ka­mukha ko ang asawa niya. Parang kakambal ko siya. Pati haba ng buhok pare­hong pareho.

“Anong masasabi mi Tess?”

“Paano nangyari yun na para kaming kambal. Ma­hirap ipaliwanag ano, Ste­phen.”

“Oo. Pero nagpapasala­mat ako at nakita kita. Siguro nga, sa katawan mo puma­sok ang kaluluwa ng asawa ko.”

“Naniniwala ka, Stephen?”

“Oo. Kaya dapat na ta­yong magpakasal agad-agad.”

“Baka pwede na bukas,” sabi ko. “Atat na rin ako eh.”

Nakasal kami ni Ste­phen. Napakaligaya naming dalawa.

(Tatapusin na bukas)

ALAM

ANONG

ATAT

OO

SHY

SIGURO

STE

TESS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with