Ako ay makasalanan (113)
“GRABE na ang pagka-addict ko. Natuto nga akong magnakaw para lamang ma-sustain ang bisyo ko. Kapag hindi ako nakagamit ng droga, na nginginig na ang katawan ko. At kapag ganoong nangangatal ako, ang nasa isip ko ay kailangang makakita ng pera para makabili. Kaya nga mayroong mga sugapa sa droga na nakukuhang pumatay at magnakaw para lamang may maibili. Sob rang sama ng droga. Mai susumpa mo talaga…”
Seryosong-seryoso sa pagkukuwento si Stephen. Talagang nasasalamin ko ang katotohanan sa kan yang sinasabi. Alam ko rin ang tungkol sa epekto ng droga sa tao sapagkat naranasan ko ring mag-marijuana. At magandang halimbawa ang nangyari kay Cherry na nakasama ko sa boarding house. Nakakulong dahil sa pagtutulak ng droga. Tama si Stephen na dahil sa masamang naidudulot ng droga ay talagang maisusumpa. Walang kasingsama kapag ang droga ang nakahumalingan.
“Kaya ang ikinukuwento mo Tess na sabi mo’y minsan ka ring nalulong sa droga, wala yun sa pinagdaanan ko. Talagang akala ko, hindi na ako makahihiwa- lay sa salot na droga…”
“Paano ka nga pala nakakawala sa pagkasugapa.”
“Nadiskubre na nina Papa at Mama ang ginagawa ko. Sapilitan na akong ipina-rehab. Lumalaban pa ako nang kunin ng mga tauhan ng drug rehabilitation. Pero wala akong nagawa. Parang loko-loko ako na nagsisigaw habang sinasakay sa van at dinala sa headquarters nila. Sina Papa at Mama ay nakita kong umiiyak habang papaalis ang van…
“Sa rehab unti-unting pinasuka sa akin ang mga toxic na nilaklak ko. Ang hirap. Parang mamamatay ako. Pinagpapawis ako para mabilis na lumabas ang nalaklak. May pagkakataon na gusto kong tumakas, pero hindi ko magawa dahil maraming bantay…
“Sa dakong huli, nagtagumpay ang kabutihan sa kasamaan. Nailuwa ko ang mga naisubo ng demonyo. Noon ko napag-isip-isip na napakasama talaga ng droga. Talagang sisirain ang tao. Kaya naipangako ko, hinding-hindi na ako babalik sa pagdodroga…”
“E bakit sabi mo kanina, paghindi kita sinagot e babalik ka sa dati mong bisyo?”
“Kaya nga sagutin mo na ako kahit korning sumagot ng “oo”. Ano Tess?”
Ngumiti ako nang pag katamis-tamis. (Itutuloy)
- Latest
- Trending














