Ako ay makasalanan (112)
SABI ni Stephen, masyado raw siyang masasak-tan kapag hindi ko tinanggap ang pag-ibig niya. At hindi raw niya alam kung anong mangyayari sa kanya kapag binigo ko siya. Talaga raw mahal niya ako at sana ay hu wag ko na siyang pahirapan pa.
“Para ka namang tinedyer kung magsalita. Ang alam ko mga kabataan lamang na korni ang nagsasabi ng ganyan…”
“Totoo ang sinasabi ko. Baka malulong uli ako sa drugs kapag binigo,” sabi niyang hindi ko malaman kung nagsasabi ng totoo o hindi.
“Nagbibiro ka ba?”
“Dati akong drug addict alam mo ba?”
“Tinatakot mo naman ako.”
“Nakikita mo itong mga sugat ko sa pulso at kamao, sinugatan ko ang mga ito nung high ako sa droga. Nasa high school ako noon. Nabarkada…”
Titig na titig ako kay Stephen. Parang ayaw kong maniwala dahil wala naman sa itsura niya na nagdroga. Sabagay, makikita ko pa nga ba iyon. Pero nakinig ako sa pagkukuwento niya. True to life. Katulad ng pagkukuwento ko.
“Nasa exclusive school pa ako nun. Sina Papa at Mama ay kapwa nagtatrabaho pa sa isang travel agency. Tumigas ang ulo ko. Akalain mo, nasa high school pa lang ay tumutungga na ako ng cough syrup at kung anu-anong pampa-high. Naimpluwensiyahan ako ng mga ka-klase ko na mayayaman…
“Akala nina Mama at Papa, nasa school ako yun pala kasama ko ang barkada. Mula sa cough syrup ay natuto akong magda- mo hanggang sa tabletas na. Matindi. Groge kami ng mga kaklase ko pagpasok. Mapupula ang mga mata…
“May pagkakataon na sa pagkagumon ko sa dro-ga ay nilabanan ko ang mama ko. Sinagut-sagot ko. Talagang lumaban ako…”
“Nahalata na nila na nagdodroga ka?”
“Hindi pa. Marami pang nangyari nagbigay ako ng kahihiyan sa magu-lang ko. Nakatuntong pa ako ng first year college. Madalas akong mapaaway. Hanggang sa dumating sa punto na nagnanakaw na ako para lamang may maibili ng droga…”
Nakatitig ako kay Stephen. Parang nakita ko ang sarili ko. Naalala ko ang aking kahapon.
(Itutuloy)
- Latest
- Trending















