Ako ay makasalanan (104)

HINDI ako iniwan nina Aling Annie at nang ka­patid niyang may-ari ng bahay na tinitirahan ko. Inilabas ako pagkaraan ng isang linggo. Nasaid na ang   pera ko na galing kay Mr. Dy. Para bang nag-ipon ako para may mai­pang-ospital. Doon lang napunta ang “pinag­puta­han” ko.

“Sige magpahinga ka lang at huwag mag-alala   sa upa,” sabi ng may-ari ng bahay. “Pero ang payo ko, sana ay umuwi ka na sa probinsiya. Iyon ang pina­kamabuti…”

Maski si Aling Annie    ay ganoon din ang payo sa akin. Wala raw ibang ma­katutulong sa akin kundi ang sarili kong mga ma­gulang.

“Siguro ay hinihintay ka nila lalo pa ang mga ma­gulang mo,” Sabi ni Aling Annie. “Lahat naman ay nagkakamali.”

Ipinagtapat ko na sa magkapatid ang mga nang­yari sa akin. Sila ay hindi makapaniwala sa mga gi­nawa ko. Iginagapang sa pag-aaral pero iba ang inatupag.

“Kawawa naman ang mga magulang mo,Tess. Sana ay pakinggan mo kami. Kung gusto mo, sa­samahan ka namin pauwi   sa inyo para magbigay ng suporta,” sabi ni Aling Annie.

“Pakinggan mo kami Tess,” sabing nakikiusap    ng may-ari ng bahay.

Litung-lito ako. Ang takot at kahihiyan ay hindi ma­wala. Ano pa ang ihaharap ko sa mga magulang ko? Baka habang naglalakad ako patungo sa amin ay pi­nag-uusapan na ako. Baka pinagtitsismisan na ako. Baka kung anu-ano ang si­nasabi sa akin.

“Sige magpagaling ka   na lang nang ayos at saka tayo mag-usap nang ma­sinsinan ha, Tess,” sabi ni Aling Annie. “Basta narito kami ni Delia na handang tumulong sa’yo.”

Napaiyak na lamang ako. Hindi ko alam ang ga­gawin sa mga sandaling iyon. Nagtatalo ang isip ko kung uuwi na sa probinsiya o magpatuloy na la­mang     sa pakikipagsapalaran sa Maynila.

Halos isang buwan din akong inaalagaan ng mag­ka­patid na Annie at Delia. Sa ginawa nilang iyon sa akin napag-isip-isip kong dapat na nga akong umu-wi sa amin at tanggapin ang anumang sasabihin ng aking mga magulang    at kapatid.

Isang araw ay nag-ayos na ako ng sarili. Inihanda ko na ang aking loob sa pagharap sa aking mga magulang. Sinabi ko sa mag­kapatid ang aking balak at tuwang-tuwa ang dalawa.

“Sasamahan ka pa na­min?” tanong ni Aling Annie.

“Huwag na po. Kaya ko na.”  (Itutuloy)

Show comments