Ako ay Makasalanan(100)
BAHALA na! Siguro naman hindi ako gaano kaimportante kay Mr. Dy para niya ipahanap muli. Naipapatay naman niya si Mon na “utak” ng panloloko. Pinendeho siya ni Mon kaya galit na galit. Siguro sa akin ay galit din si Mr. Dy pero baka mga 80 porsiyento lang. Maaa-ri pang patawarin kung sakali, pero mag-iingat din ako. Basta ang pasya ko ay hindi uuwi sa aming probinsiya kahit na anong mangyari. Wala na akong mukhang ihaharap sa aking mga magulang at kapatid. Bahala na kung ano ang mangyari sa akin.
Sa Sulucan St. ako tu mira mula noon. Gamit ang perang “pinagputahan” ay nakaraos sa bawat araw. Sa mga unang araw ay hin-di ako naglalabas ng kuwarto sa takot na baka pinasusubaybayan ako ni Mr. Dy. Makaraan ang isang buwan at wala naman akong nahahalatang kakaiba, nagsimula na akong maghanap-hanap ng pagkakakitaan. Mailap ang trabaho. Umuuwi akong laglag ang balikat sa inuupahan kong kuwarto.
Hanggang sa may mapansin akong kakaiba sa katawan ko. Laging masama ang pakiramdam ko. Naduduwal. Nahihilo. Laging tinatamad kumilos Nagkaroon ako ng hinala.
Sa isang maliit na klini-ka sa may Bustillos ay nagpakunsulta ako. At luma- bas ang resulta. Buntis ako!
Parang tumigil ang ikot ng mundo. Mas mabigat ang problemang ito. Sino ang nakabuntis sa akin? Ang Tsekwa o ang hayup na si Mon? Hindi ko alam. Mahirap matukoy. Halos magkasunod na nakipagtalik ako sa dalawang lalaki kaya hindi ko alam kung sino ang nagsabog ng kamandag sa sinapupunan ko.
Isa ang remedyong aking naisip. Naalala ko ang sinabi ni Cherry noon. Mayron daw isang abor-tionist sa may Soler, Sta. Cruz, Maynila. Malapit lang daw sa Avenida iyon. Puwedeng ipagtanong kahit sa cigarette vendor. Iyon na lamang ang aking tanging paraan. Ayaw kong mabuhay ang dugong nasa aking sinapupunan.
Hinanap ko ang sinabing lugar ni Cherry. Una akong nagtungo sa gilid ng isang lumang building sa Soler St. Tumawid ako sa Avenida. Nagtanong ako sa isang cigarette vendor. Alam nga ng vendor ang abortionist. Itinuro ang number ng bahay.
Tinungo ko iyon.
(Itutuloy)
- Latest
- Trending