^

True Confessions

Black Pearl (86)

- Ronnie M. Halos -

“NAPAPANSIN daw ng mga kasamahan ko sa trabaho na iba ang mukha ng dalawang bata. Hindi raw kamukha ni Sir Fer­nando. Sarap pagtatam­puyungin ng mga gago. Pinagsasabihan ko nga na huwag naman nilang pag-usapan ng ganoon ang aming amo. Masama na ang ganoon,” seryoso si Raul sa pagsasalita. Tala­gang gusto niyang ipag­tanggol ang mag-asawang nagbibigay sa kanya ng ikabubuhay at nagpapa-aral sa anak.

“Iba kasi talaga ang ugali ng mga kasamahan ko, kahit na pakainin sa pa­lad ay tutukain din. Nanini­wala sila sa tsismis na hin-di raw kay Sir ang kambal samantalang kitang-kita naman sa mukha ng dala-wa na kamukha ni Sir. Maki­kita mo kapag pinadala ko sa’yo ang kuha. Cute na cute nga ako sa dalawang bata. Gusto kong kunan ng bagong retrato. Sige pag meron akong time e kuku­nan ko para latest. Madalas maglaro sa may waterfalls ang dalawa.”

Nasabik na naman ako. Parang lumulukso ang dugo ko.

“Ano ang pangalan ng dalawang bata, Raul?” ta­nong ko.

“Hindi ko matandaan, Frank. Pero hayaan mo at ite-text ko sa’yo. Huwag mo lang kalimutan na ibigay ang cell number mo.”

Noon din ay ibinigay ko na ang number ko kay Raul. Baka nga malimutan ko pa.

Pagkatapos kong maibi­gay, piniga ko pa para magkuwento si Raul tung-kol sa mag-asawa. Mara­ming alam si Raul at siguro bago ako umalis dito sa Pinama­layan ay alam ko na ang lahat.

“Pero naniniwala kang gagawa ng masama si   Mam Melissa mo? Ibig kong sabihin, papatol siya sa ibang lalaki?”

“Naku hindi ah. Tingin ko desente si Mam. Hindi ang tipo niya ang manlalaki.”

“Ba’t mo nasabi?”

“Kasi’y mayroong nag-aplay na operator ng hand tractor kay Sir Fernando. Guwapong lalaki. May bigote. Tinanggap ni Sir. Aba, yun pala me kur­sunada kay Mam Melis- sa. Akala yata bibigay si Mam. Pinasok daw yata   sa banyo si Mam habang naliligo. Nanlaban si Mam… mabuti na lang at may kasama sa bahay si Mam kundi ay baka na-reyp siya ng hayop na iyon...”

(Itutuloy)

vuukle comment

MAM

MAM MELIS

MAM MELISSA

PERO

RAUL

SHY

SIR FER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with